Bamboo's comment on Rivermaya break-up: "Nothing."


Bamboo's frontman, Bamboo Mañalac, is not affected by the break-up of his former band, Rivermaya.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bamboo Mañalac, ang lead singer ng bandang Bamboo, sa media launch ng back-to-school campaign ng Penshoppe kahapon, June 5, sa Cinema 3, Greenbelt. Ito ang unang pagkakataon na pumayag si Bamboo at ang kanyang bandmates na mag-endorse ng isang clothing line.

Kinuha namin ang reaksiyon ni Bamboo sa pag-disband ng dati niyang banda na Rivermaya.



"Nothing," kaswal na sagot ni Bamboo. "I mean, it's been out of my mind naman, e. Again, I only see what us [Bamboo, the band], what we do, our work lang talaga. I try not to look elsewhere. Trabaho ito and we're too much focused, 24/7 kami talaga. We have to focus on ourselves, on our music. So, people think na after we perform, party-party, whatever. Ganun talaga, e. It's always something every day. It's a job lang talaga. And Rivermaya, you know....that's it. I have nothing to say lang talaga."



Nanghinayang ba siya na wala na ang dati niyang banda?



"Not really because, I mean, until today in provinces and in Manila, we still sing the songs that I sang when I was there in Rivermaya. It's still alive in me, you know. Hindi pa nawawala ‘yong ‘Ulan,' ‘Kisapmata,' ‘Himala.' So, you cannot avoid it. Sa akin it's the music, e. Mawala man kami it's gonna be ‘Noypi,' it's gonna be ‘Hallelujah.' It's gonna be forever," paliwanag ni Bamboo.



Naging friends ba sila ng vocalist din noon ng Rivermaya na si Rico Blanco?



"‘Iyon ang hindi. No comment na lang!" sabay tawa ni Bamboo.

So, you're still not on good terms?

"No, no. Not on good terms," pag-amin niya.

Ano ang masasabi niya sa plano ni Rico na maging solo artist?

"Good luck to him. Pero no comment na ako," ngiti ni Bamboo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Incidentally, kung si Bamboo ay connected sa Penshoppe, si Rico naman ay konektado sa Human. Kamakailan ay ini-launch ng Human ang mga designs ni Rico para sa nasabing clothing apparel.



Speaking of Human, isa ring musical artist ang bagong image model nila—ang Pinoy US-based artist mula sa grupong Black Eyed Peas na si Apl (Allan Pineda). Sinasabing si Bamboo raw ang pantapat ng Penshoppe kay Apl.



"Oh, I don't know," nasorpresang sumagot si Bamboo. "No, I don't see any connections. I mean, they're different genre, they're an international group. We speak to the Filipinos here, you know. We're homegrown, you know. I mean, regardless."



Paliwanag ng sikat at mahusay na bokalista, "Lahat naman, you know, he's got Filipino blood. He's based there but it's different. Their music says something else aside from us, you know. I'd like to think, di ba? Like we exude a different message sa music. We say something, you know, na kung kinanta namin sa US ito, walang makakakuha nito. We're a Filipino band through and through, that's it lang talaga."



Nakatakdang umalis ng Pilipinas si Bamboo at ang kanyang banda para mag-perform sa Filipino community sa San Francisco sa Independence Day celebration doon. Mag-i-stay sila doon for two weeks at sasamantalahin rin ng bokalista na dumalo na sa graduation ng sister niya sa Chicago, kung saan nandoon ang kanyang buong pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN