Dennis Padilla on Marjorie Barretto: "Siguro God has better plans for both of us."


"Kung pagsasamahin kami ng Diyos, pero it will bring the worst in us, it's better now na magkahiwalay kami...," says Dennis Padilla about estranged wife Marjorie Barretto.


Isang lumuluhang Dennis Padilla ang nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, June 5, sa taping ng Homeboy, ang daily morning program ni Boy Abunda sa ABS-CBN. Matapos mapanood ni Dennis ang videos ng mga naunang guestings ng kanyang buong pamilya sa Homeboy ay hindi nakontrol ng actor-politician ang damdamin at napaiyak na lamang siya.



Isa sa ipinakitang video ay ang pagbabasa ng kanilang mga anak ni Marjorie Barretto ng mga liham para sa kanilang mag-asawa. Pinakahuli ay ang pagbasa ni Marjorie ng kanyang liham para kay Dennis na punong-puno ng pang-unawa at pagmamahal.

Tulad ng alam na ng lahat, nagdesisyon sina Dennis at Marjorie na maghiwalay muna.


"Nakalimutan ko na nga ‘yang video na ‘yan, e," sabi ni Dennis tungkol sa mga ipinalabas na videos. "Noong narinig ko ulit... I don't know what happened. Bakit nag-iba [‘yong samahan]? Siguro God has better plans for both of us or God has a different plan for one of us. Kung ano man 'yon, day by day, I will just pray. First of all, for myself because I'm broken, and I want that to make me one piece again. And for Marjorie, she is broken, too, and God will make her one piece again."

Ano ba ang naging ang pagkukulang ni Dennis kay Marjorie at nakapagbitiw ang huli ng salita na matagal na raw silang hindi tumatawa sa bahay nila?



"I made her the shock absorber of my life," diretsong sagot ni Dennis. "Every time I have problems, I always turn to her and I forget that she's younger than me. But instead of making her my shock absorber, I should have made God my shock absorber. Ang laki ng shock absorber na 'yan, di kayang gibain."



Ayon kay Dennis, araw-araw niyang nakikita ang kanyang mga anak. Kinausap din daw nila ni Marjorie ang mga ito upang ipaliwanag ang nangyari sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I explained it naman," sabi ni Dennis. "Everything's clear naman. Una, kinausap namin 'yong maliliit and then 'yong teenagers. Ang hirap, sobrang hirap."

Kuwento pa ni Dennis, ang sinabi raw ni Marjorie sa kanilang mga anak ay mahirap sa kanyang parte ang mamahagi ng kaligayahan kung siya mismo ay hindi maligaya.

"I need my time to reflect, I want to find myself. This is a new phase in my life and I want you to let me soar, to let me grow. By giving me my space, that is taking a risk," sabi raw ni Marjorie, na nanalong councilor sa Caloocan City nitong nakaraang eleksiyon.



Ibinahagi rin ni Dennis na habang kinakausap nila ni Marjorie ang kanilang mga anak ay tinanong daw sila ni Juliana ng: "What if your decision will make you happy but will make us unhappy?" Sa puntong ito raw ay hindi sila nakapagsalita sa tanong ng anak. Pero pagkatapos daw nito ay kinausap nina Dennis at Marjorie isa-isa ang mga anak at doon sinagot ang mga tanong nila.



Ayon pa kay Dennis, kung plano ng Diyos na magkabalikan sila, pero kung ang pagkabalikan ay hindi makakabuti sa kanila bilang mag-asawa, mas gugustuhin nitong magkahiwalay na lang sila nang tuluyan.

"Kung pagsasamahin kami ng Diyos, pero it will bring the worst in us, it's better now na magkahiwalay kami para made-develop niya ang buhay niyang mag-isa at ganun din ako. Ngayon, kung magiging maganda 'yong balikan namin at magkatulungan kami, isa sa amin will make the other person a better person, dapat lang kami magsama. And it's only in God's time," paliwanag ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN