Tintin Bersola and Julius Babao abide by ABS-CBN Code of Ethics


"We have served well in our ten years as hosts of the morning show of ABS-CBN. Maybe it is time to move on and grow in a different direction," says Tintin Bersola.


Pagkatapos ng sampung taon, nagdesisyon ang news department ng ABS-CBN na palitan na bilang hosts ng morning show nilang Magandang Umaga Pilipinas sina Julius Babao at Tintin Bersola-Babao.



Hindi lang ang mag-asawang Julius at Tintin ang pinalitan kundi ang iba pang kasama nila sa naturang morning show. Ang ipapalit sa kanila bilang main hosts ay sina Edu Manzano, Donita Rose, Pinky Webb, Pokwang, at Rica Peralejo. Bukod dito ay papalitan na rin ang title ng programa, from Magandang Umaga Pilipinas (MUP) ay gagawin na itong Ganda ng Umaga.



Maraming tagahanga nina Julius at Tintin ang nalungkot dahil nakasanayan na nilang mapanood ang mag-asawa tuwing umaga sa telebisyon. Kahit matagal nang hindi umaabante sa ratings ang MUP laban sa Unang Hirit ng GMA-7, masaya na raw ang mga fans na mapanood ang mag-asawa.



Sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) hingan ng comment ang mag-asawang Julius at Tintin nang pumutok ang balitang tinanggal na sila sa MUP. Ang nakarating sa aming mensahe ay hindi raw muna sila mage-entertain ng interviews dahil makikipag-meeting pa raw sila kay Maria Ressa, ang head ng ABS-CBN News and Current Affairs department. Malalaman daw nila kung ano ang mangyayari sa kanila after their meeting.



The next day ay kinulit ulit ng PEP ang mga taong puwedeng makapagbigay ng impormasyon tungkol sa naging meeting nina Julius at Tintin kay Maria, na dating bureau chief ng CNN.



Sinabi ng aming nakausap na maayos daw ang meeting ng mag-asawa kay Maria, pero hindi raw sila puwedeng magbigay ng anumang impormasyon dahil nasa Code of Ethics daw nila ito.



Maya-maya ay nag-text mismo si Tintin sa PEP at ito ang naging mensahe niya: "News and Current Affairs anchors are governed by the Code of Ethics, thus we are not allowed to give interviews unless with written approval from Ma'am Maria Ressa or Mr. Bong Osorio, head of PR.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"At this point, we cannot grant any interviews but we are happy and grateful to know that there are people who still believe in us and I know that God will lead us in the right direction. In life, He always does. We have served well in our ten years as hosts of the morning show of ABS-CBN. Maybe it is time to move on and grow in a different direction."



Si Julius ay anchor pa rin ng TV Patrol World at XXX. Magkasama naman sila ni Tintin sa daily morning radio show nila sa DZMM. As for Tintin, kung wala pa raw siguradong TV show na maibibigay sa kanya, magku-concentrate muna raw siya sa pagsulat ng mga children's books tulad ng mga nauna niyang Bryan Learns His Lesson at Basura Monster. Mas marami na rin daw siyang time para sa anak nila ni Julius na si Antonia at pupuwede na rin siyang magbuntis ulit. Matagal na raw naman nilang plano ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN