FIRST READ ON PEP: Rosanna Roces's arrest warrant lifted


The Makati Metropolitan Court Branch 66 has granted the appeal of Rosanna Roces and her lawyer to lift the warrant of arrest against the former sexy actress.


Humarap sa Makati Metropolitan Court Branch 66 kaninang 11:45 ng umaga ang aktres na si Rosanna Roces para umapelang ipawalang-bisa ang warrant of arrest laban sa kanya. Wala raw media na nakapag-cover nito dahil biglaan.

Ayon sa abogado ni Osang na si Atty. Steve Mendoza, agad daw sumipot ang kanyang kliyente para mapagtibay ang kanilang apela.

Biyernes, June 1, nang mag-issue ang Makati court ng bench warrant para sa kasong libel na isinampa ni Dr. Vicki Belo laban sa dating sexy star.

Hindi naman daw ito pinagsawalang bahala ni Osang. Kaya't kanina, isang tawag lang daw ng kanyang abogado, dumating kaagad ang aktres sa hiling ng korteng magpakita ito.

Pinagbigyan naman ng korte ang kahilingan ni Osang at na-lift na nga ang warrant of arrest sa kanya. Kasabay nito ay na-reinstate na rin ang bail bond o piyansa ng dating sexy star.

Ayon naman sa abogado ni Dr. Vicki Belo na si Atty. Raymund Fortun, kakaiba daw ang ganitong klaseng preceeding, pero hindi na raw nila palalakihin pa ito. Sana lang daw, maging paraan ito para matupad ang kanilang hinihiling—ang sumipot si Osang sa kanyang hearing dalawang linggo mula ngayon.

Hindi pa sumasagot si Osang sa interview request ng PEP (Philippine Entertainment Portal).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN