Michael V. in "Mommy ko si Daddy" reprises Dolphy's 1978 classic role


Comedian Michael V. was chosen to play the role of a gay father in the updated version of the Dolphy classic Ang Tatay Kong Nanay. The title of the updated version is Mommy Ko Si Daddy.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mr. Tony Gloria ng Unitel Pictures sa Big Buddha Restaurant, Greenbelt 3, after the press preview of Paraiso, Tatlong Kuwento ng Pag-asa. Nabanggit ng film producer na isinumite nila for the 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Mommy Ko Si Daddy, update ng Lino Brocka classic na Ang Tatay Kong Nanay.



Umaasa si Mr. Gloria na mako-consider ng MMFF executive committee ang project. Pero kung hindi raw papalarin, gagawin pa rin nila at ipalalabas this year.

Ang napili nila para sa role na ginampanan ni Dolphy sa 1978 movie ay si Michael V. Kahit may kumontra, si Michael V. ang Dolphy ng henerasyon ngayon para sa direktor ng pelikula na si Mark Meily.



Napili na rin ang batang makakasama ni Michael V. Sa halip na lalake (si Niño Muhlach ang gumanap noon bilang anak ni Dolphy), babae ang magiging anak ni Michael V. sa pelikulawalang iba kundi si Erika Oreta na nakasama ni Maricel Soriano sa Inang Yaya.



Pareho ng paniniwala sina Mr. Gloria at Direk Mark na kayang-kaya ni Michael V. ang gumanap na bading. Ginagawa na ito ng comedian-TV host-composer sa Bubble Gang. Dagdag pa ng producer, hindi rin bading si Dolphy, but he was very good in Ang Tatay Kong Nanay, na one of the best films of the Comedy King.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN