Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo have two 2007 MMFF entries


Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo gave commitment letters to the MMFF Executive Committee for two entries: Sakal, Sakali, Saklolo and Mr. Housewife. But a ruling says that a major star can only have one entry in the filmfest.


Nalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nag-react ang Star Cinema nang malamang nagbigay rin ng commitment letter sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa OctoArts Films for a Metro Manila Film Festival (MMFF) movie.



Kaya kapag paherong tinanggap ng Executive Commitee ng MMFF ang Sakal, Sakali, Saklolo ng Star Cinema at Mr. Housewife (Maybahay Ko) ng OctoArts Films, dalawa ang entries nina Judy Ann at Ryan sa MMFF this year. Pero malabong magkaroon sila ng two entries dahil may ruling ang filmfest na dapat tig-iisang entry lang ang mga big stars sa MMFF this year. Bukas, June 8, ia-announce ang mga script na maaaprubahan, kaya magdasal na lang ang Star Cinema at OctoArts Films.



Si Joey Reyes ang scriptwriter at magdidirek ng Sakal, Sakali, Saklolo, na sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo. Si Wenn Deramas naman ang direk ng Mr. Housewife, mula sa script ni Mel del Rosario.



Nine movies lang daw ang entries in this year's MMFF, anim ang ipalalabas from December 25-31 at tatlo naman ang ipalalabas from January 1 to 6. Ang deadline ng submission ng script for January ay sa June 18.



Tanong lang, hindi kaya puwedeng ipalabas for a January playdate ang movie nina Judy Ann at Ryan na hindi mapipili for December 25?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN