Piolo Pascual feels vindicated by overwhelming success of "Paano Kita Iibigin?"


Piolo Pascual says everyone should move on with their lives now that Paano Kita Iibigin? is now completed. He asks everyone, "let's give them their happiness, they wanna be together," referring to his leading lady, Regine Velasquez and Ogie Alcasid.


Marami ang nagulat na sumabay ang June announcement ni Ogie Alcasid tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Regine Velasquez sa promo ng pelikula ng Asia's Songbird at ni Piolo Pascual, ang Paano Kita Iibigin ng Star Cinema at Viva Films.

Matatandaang as early as last January ay sinabi na ni Ogie na mayroon siyang ia-announce sa June at iyon nga ay nailathala sa June 2007 issue ng YES! Magazine, na lumabas ilang araw bago magbukas ang pelikula nina Regine at Piolo.

Nagdala ng kaba at alinlangan na maaaring makaapekto ng malaki ang announcement na ito ni Ogie sa magiging resulta sa takilya ng Paano Kita Iibigin? Pero taliwas sa inaasahan, mainit naman itong tinangap at sinuportahan ng moviegoers.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Piolo ay sinabi niya na pakiramdam niya raw ay vindicated sila sa magandang resulta ng pelikulang pinagtambalan nila ni Regine. Marami kasi ang mga taong hindi naniwala sa kanilang tambalan ng singer-actress.

"We're happy finally nakaraos na," nakangiting pahayag ni Piolo. "I'm really thankful, [and] at the same time, I feel we're vindicated in a way because a lot of people didn't trust this partnership. Now that it is over and it's doing good at the box-office, it's time to move on and just be happy.

"I'm also really thankful na di nakaapekto ‘yong announcement ni Ogie and Reg," patuloy niya. "But I think the bottom line is, we all just have to move on, let's give them their happiness, they wanna be together. I'm happy for Reg, as long as she's happy, as long as she has peace on her heart, I'll be happy for her. "

In spite of his bankability as an actor, Piolo humbly admits to us that up to now, nakakaramdam pa rin siya ng nerbiyos sa tuwing may tinatapos siyang project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Piolo, "You know, every time I do something, every time that I come up with a show, [whether a] movie, or a soap, or a concert, laging may takot, may pressure, laging may challenge. Every time na may lumalabas akong pelikula, I'm up to my neck na, ‘Ano pa ba ang kulang? Ano pa ba ang kailangan kong gawin?'

"You always pray na kumita and siyempre puro ka promo. Makakahinga ka lang nang maluwag on the day itself, ‘pag kumita na at ‘pag may nag-text sa iyo, ‘Okay, nakalusot tayo.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN