New ABS-CBN morning show will be called "Umagang Kayganda"

by Nitz Miralles
Jun 7, 2007
Sina Edu Manzano at Donita Rose ay kabilang sa mga hosts ng bagong ABS-CBN morning show, ang Umagang Kayganda.

May update ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa reformatted morning show ng ABS-CBN na magpa-pilot sa June 25.

Hindi na Gandang Umaga ang title nito kundi Umagang Kayganda. So, totoong working title lang ang Gandang Umaga na sabi ng isang reporter ay katunog ng Gandang Ricky Reyes, ang dating show sa QTV 11 ng kilalang salon owner. Title ng kanta naman daw ang Umagang Kayganda.

Na-text din sa PEP ang complete line-up ng hosts ng morning show ng ABS-CBN na pinangungunahan nina Edu Manzano, Bernadette Sembrano, Pinky Webb, Anthony Taberna, at Donita Rose. Obvious na natokang magbigay ng showbiz news sina Ogie Diaz at Winnie Cordero at huhulaan naming pang-sports si Atom Araullo na dating napapanood sa GMA-7.

Segment hosts sina Rica Peralejo at Pokwang na pantapat daw kina Regine Tolentino at Love Añover ng Unang Hirit ng GMA-7. Natuloy rin pala si Pinky na noong una ay di raw siguradong isasama dahil baka magmukha silang loveteam ni Edu.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Edu Manzano at Donita Rose ay kabilang sa mga hosts ng bagong ABS-CBN morning show, ang Umagang Kayganda.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results