Rosanna Roces on her blessings: "Ito na yong natural high!"


Lady luck seems to be on Rosanna Roces's side again. Aside from the dismissal of the libel cases filed against her by Dr. Vicki Belo, she is also set to star in two television shows—Maging Sino Ka Man Book Two and Ysabella.




Napaiyak at napayakap na lamang sa kanyang abogado si Rosanna Roces nang ipakita sa kanya ni Attorney Steve Mendoza ang decision ng Court of Appeals kahapon, June 6, sa Annabel's Restaurant sa Timog Ave, Quezon City.

Ayon sa naturang desisyon, na-dismiss na ang dalawang kaso ng libelo na isinampa ni Dr. Vicki Belo laban kay Osang—ang mas kilalang pangalan ni Rosanna sa showbiz.

Nang tanungin ng media kung ano ang dahilan ng matinding pagluha ng aktres, malungkot na sinagot niya, "Hindi ako natutuwa dahil may natalo. Natutuwa ako kasi God is good, hindi Niya kami pinabayaan.

"Noong nandoon nga ako para sa warrant, hindi ko talaga alam na ngayon ding araw na ito ibibigay ng court of appeals yung desisyon. Hindi nga ako naniniwala hangga't di ko nakikita itong papeles, e."

REASON FOR DISMISSAL. "Lack of jurisdiction" ang dahilan ng pag-dismiss ng kaso, ayon kay Atty. Mendoza.

At ang paliwanag naman ni Atty. Raymond Fortun, ang abogado ni Dr. Belo, sa PEP contributor na si Nelson Canlas, "The case was dismissed on a technicality . The Makati prosecution office failed to mention that the offended party, Dr. Belo, was a Makati resident."

Dagdag pa niya, "This would only be a two-week respite at most for Rosanna Roces. She will be back as an accused for the crimes of libel in no time, once the prosecutors have the amended criminal informations [sic]."

Kaugnay nito, inamin naman ni Atty. Mendoza na maaaring hindi pa ito ang magiging pinakahuling desisyon ng korte. Aminado siya na maari pa ring umapela ang kabilang kampo, "Dr. Belo can choose to re-file the case, if she wants to remedy the defect that was committed in the first case."

JUDICIAL MEDIATION. Kung hindi pa diumano naibaba ang desisyon ng Court of Appeals, magkakaroon sana ng judicial mediation sa pagitan nina Osang at Dr. Belo, ayon kay Atty. Mendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "The court scheduled a mediation for July 11 and August 7. I think they will be move already because the Court of Appeals has already dismissed the case."

Nang tanungin kung kailangan pang humingi ng apology si Osang kay Dr. Belo, naikwento ni Atty. Mendoza na, "When we went to the court this morning the judge said that he was going to conduct a judicial mediation where just Osang and Dr. Belo would be present. In fact, the counsels were asked not to be present in his order.

"I think the intention there was really to reach out to both Osang and Dr. Belo and try to resolve the issue because this is a misunderstanding between friends."

Sa panig naman ni Osang, bukas pa rin siya sa anumang mediation na gagawin. Para sa dating sexy star, "Dati na naman akong nakikipag-ayos. Kaya nga sa isyung [makikipag-ayos], sabi ko wala naman akong sinisira, e. Dati pa nga ako nag-sorry. Kanina nga yung sabi ng judge another mediation, okay pa rin naman [ako], e. Masarap din naman 'yong nagso-sorry ka, di ba?

RECONCILIATION WITH LOLIT SOLIS? Matatandaan sa panayam ng PEP noong May 30, sinasabi ni Dr. Belo na wala na siyang galit kay Osang . Ngunit hinihiling niya na sana ang makipag-ayos na rin ang dating sexy star kay Manay Lolit Solis—na dati niyang manager at co-host sa Startalk.

Kaya naman tinanong si Osang kahapon ng media kung handa na ba siyang tapusin ang hidwaan nila ni Manay Lolit. Subalit hindi niya ito direktang sinagot, bagkus sinabi niya, "Everybody naman, di ba, we hope na ganoon? So I hope. Sino ba naman ang may gusto sa giyera, di ba? Basta lahat tayo ang gusto tahimik na buhay, ayaw natin ng gulo."

Halos ganito rin ang reaksiyon ni Osang nang hingan siya ng mensahe para kay Manay Lolit. Aniya, "Right now, ayokong magpadalus-dalos. Ayokong magpatangay sa mga emosyon. Siyempre high na high tayo ngayon, di ba? Pero one thing's for sure ayoko siyang masaktan. So next time na ako magbibigay ng message kapag kalmado na ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin kung handa siyang makaharap ang dating manager, sinagot ni Osang, "Kung gusto niya."

Nagsimula ang isyu sa pagitan nina Manay Lolit at Osang noong ibinunyag diumano ng una na nagdadalang-tao ang anak ng dating sexy actress na si Grace Adriano.

NATURAL HIGH. Hindi pa rin makapaniwala si Osang sa mga nangyayari sa buhay niya sa ngayon. Bukod sa natanggap na desisyon ng Court of Appeals, sinusuwerte rin siya dahil muli siyang magbabalik sa telebisyon. Dalawa ang proyektong pagkakabalahan ni Osang sa mga susunod na araw—ang book two ng Maging Sino Ka Man at ang Ysabella.

Ayon sa kay Osang, "Sobra nga, parang 'yong ulo ko wala sa katawan ko. Di ko maintindihan na parang ang bait-bait ng Diyos sa akin. Iniwan man ako ng asawa ko pero ang Diyos talaga hindi ako iniwan. Kaya nga di ba sabi ko ayaw ko munang mag-asawa, idi-devote ko muna ang buhay ko sa kanya. Parang ganun na nga ang mangyayari.

Dagdag pa niya, "Nahihilo ako sa sobrang dami ng biyayang natatanggap ko. Parang dati natatanggap ko lang ito kung umiinom ako ng kung anu-ano. Ngayong normal ako natatanggap ko. Parang medyo nagigiba lang ako pero iyon na yung natural high. Iba 'yong sarap ng ikinakasal ka, iba rin ito, may impact talaga sa buhay mo na...basta kakaiba!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN