Judy Ann Santos shrugs off rumor that she is pregnant


"Ilang taon na lagi akong hinuhulaan na mabubuntis ako. Kung natuloy ‘yon, ang dami-dami ko nang anak ngayon!" says Judy Ann Santos.


Tinatawanan na lang ni Judy Ann Santos ang mga intrigang ibinabato sa kanya, tulad nitong latest na buntis daw ang aktres at nagpaplanong mag-abroad para itago diumano ang kanyang interesting condition.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Juday sa kanyang dressing room sa may ABS-CBN matapos siyang mag-guest sa The Buzz at sinagot niya lahat ang tanong sa kanya, lalo na ang isyu ng pagbubuntis niya raw.

Sabi ni Juday, nauuta na raw siya sa ganitong isyu. Kung susumahin daw lahat ng pagkakataon na sinabing buntis siya, nagbiro siya na baka raw 32 na ang anak niya ngayon.

"Ilang beses na akong hinulaan sa tuwing magsisimula ang taon, sinasabi ng mga manghuhula na mabubuntis ako. Ilang taon na lagi akong hinuhulaan na mabubuntis ako. Kung natuloy ‘yon, ang dami-dami ko nang anak ngayon!" natatawang sabi ni Juday.

"Pero siguro, ang konsuwelo na lang sa akin, mas nakakapag-ingat ako pag may mga ganoong prediction. Mas nagiging aware ako na may nakikita silang ganoon sa akin. Natutuwa na rin ako na kasama pa rin ako sa listahan ng mga hinuhulaan. Ibig sabihin, nasa limelight pa rin ako. Artista pa rin pala ako," pahayag pa ng tinaguriang young superstar.

WEDDING & LIVE-IN. Juday just turned 29 last May 11, pero kahit okay naman ang takbo ng relasyon nila ng boyfriend niyang si Ryan Agoncillo, hindi pa raw sila nagbabalak magpakasal. In fact, hindi pa raw nila napapag-usapan ang kasal.

"Noong bata-bata pa ako, sabi baka at 26 mag-aasawa na ako. Pero pagdating ko ng 26, na-realize ko na hindi pa naman pala dapat magmadali sa pag-aasawa dahil mahabang proseso ito. Mahabang proseso ang pagpapakasal, ang pagkakaroon ng sariling pamilya," seryosong pahayag ng young actress.

"Gusto ko na bago ako dumating doon, na-enjoy ko na ang buhay ko. Natapos ko na lahat ng responsibilidad ko sa sarili ko at sa pamilya ko. Wala na akong ibang iisipin. Stable na rin ako as a person. Wala akong ibang pagtutuunan ng pansin ko kundi ang pamilya ko so it will just come. I am not in a hurry."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin kay Juday ang lumabas na balita rito sa PEP na pabor siya sa live-in. Nilinaw niya ang tungkol sa nauna niyang pahayag.

"I-explain ko siya nang maayos," pauna niya. "Siguro iyon ‘yong intindi nila sa pagkakasabi ko. But then I have a lot of friends na nakikipag-live-in at kaibigan ko sila. Hindi ko sila iko-condemn dahil nakikipag-live-in sila. Nirerespeto ko sila kasi iyon ang gusto nilang buhay kasi masaya sila.

"And at the same time, kung iyon naman ang proseso ng isang babae na sa halip na pakasalan ang isang tao para maiwasan ang di pagkakaunawaan bago sila magkaroon ng isang pamilya, wala akong nakikitang masama or something. Masama siguro sa paningin ng mga Katoliko. Pero kung pagiging praktikal ang pag-uusapan, at kung iko-consider natin ang annulment cases na nangyayari dito sa Pilipinas... Unlike sa States na puwede ka magpakasal ngayon, bukas puwede kang makipaghiwalay. Dito ay mahabang proseso at magastos. Ganoon lang naman ang opinion ko."

Dagdag pa niya, "Hindi ko naman sinasabi na I will apply it to myself. Masasaktan ko rin naman si Mama [Carol Santos].

20TH ANNIVERSARY. Juday is celebrating her 20th year in show business at tinanong namin kung ano ang kanyang pakiramdam na naabot niya ang ganitong milestone.

"I am very happy, very overwhelmed," sabi niya. "And I am also proud of myself na nakatagal ako nang ganito sa showbiz nang hindi ko namamalayan. Siguro dahil nage-enjoy ako sa trabaho ko at gusto ko ang ginagawa ko.

"It's funny kasi pag naiisip ko at malapit na ang celebration, bigla akong nagpa-palpitate. Bigla akong kinakabahan. Hindi ako makatulog. Siguro dahil sa excitement, halong kaba, takot, and at the same nag-uumapaw ang kasiyahan dahil never in my whole life nakaramdam ako ng ganitong klaseng importansiya. Ngayon lang. Kaya naman I am really hoping na everyone would watch it, kasi ako rin matagal kong hinintay ang pagkakataong ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay ng 20th anniversary sa showbiz ni Juday, magkakaroon siya ng special concert on June 16 sa Araneta Coliseum. Bida Ng Buhay Ko ang title ng concert kung saan makakasama ni Juday ang halos lahat ng mga naging bahagi ng kanyang showbiz career.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN