Annabelle Rama happy that Ruffa Gutierrez is now a certified Kapamilya


Annabelle Rama is one happy mom. Aside from signing a one-year contract with ABS-CBN, Annabelle's daughter Ruffa Gutierrez will now also be staying for good in the Philippines.


Thirty minutes ahead na dumating si Annabelle Rama sa contract signing ng anak na si Ruffa Gutierrez para sa ABS-CBN kahapon, June 7. Masaya si Annabelle sa pagpirma ng kanyang anak para sa Kapamilya Network. Sa kabila ng pinagdadaanan ni Ruffa ngayon, natutuwa si Annabelle bilang ina dahil sa magandang takbo ng showbiz career ng kanyang unica hija.



"Actually, si Ruffa talaga, gustong-gusto niya sa ABS-CBN. E, happy naman ako dahil ngayon may anak na rin ako na nasa Channel 2," bungad ni Annabelle sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Ang kambal kasi nina Annabelle at Eddie Gutierrez na sina Richard at Raymond Gutierrez ay parehong nasa GMA-7.



Bukod sa masaya si Annabelle dahil sa magandang takbo ng career ni Ruffa ngayon, mapapanatag na rin daw ang kalooban niya dahil mananatili na sa Pilipinas ang kanyang panganay na anak. Although inaasahan pa rin ni Annabelle ang pagkikita nina Ruffa at ng mister niyang si Yilmaz Bektas dahil sa kanilang dalawang anak na sina Lorin at Venice.



Speaking of Yilmaz, expected na rin daw ni Annabelle na magpapa-interview ang Turkish husband ni Ruffa sa telebisyon. Hindi na rin daw siya nagulat nang tawagin ni Yilmaz si Ruffa na "Brutus."



"Sanay na ako sa kanya. Ganyan naman talaga siya kahit noong nagsasama pa sila ni Yilmaz. Kaya hindi na ako nagulat na sabihin niya kay Ruffa ‘yon," pahayag ni Annabelle.

Nagbigay rin ng pahayag si Annabelle sa patutsada ni Yilmaz na "good actress" si Ruffa dahil sa pagpapanggap diumano nito na mahal siya ng dating Miss World 2nd Princess sa loob ng apat na taon ng pagsasama nila.



"Kung umaarte lang si Ruffa na mahal siya, e, napakahirap gawin ‘yon sa loob ng apat na taon," sabi ni Annabelle.



Samantala, tinanong din namin si Annabelle sa balitang idedemanda siya diumano ni Dolly Anne Carvajal dahil sa mga masasakit na salitang binitawan niya laban dito. Hindi naman nagpaka-play safe si Annabelle sa pagsagot. Bagkus, sinabi niya na nakahanda siyang harapin ang demanda sa kanya ni Dolly Anne just in case ituloy ng kolumnista ang pagsampa ng kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinagabihan pagkatapos ng contract signing ni Ruffa sa ABS-CBN ay inilabas naman ng GMA-7 sa 24 Oras ang panayam nila kay Yilmaz. Sa naturang interview ay sinabi ni Yilmaz na pinaiimbestigahan niya ang pagpapakasal diumano ng isang Sharmaine Gutierrez sa isang Richard Daloia noong January 18, 1999 sa Clark County, Nevada. Ang tunay na pangalan ni Ruffa ay Sharmaine Ruffa Gutierrez.

Ano kaya ang magiging reaksiyon ng mag-inang Annabelle at Ruffa sa panayam na ito ni Yilmaz? Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagsasalita si Ruffa tungkol sa balitang nagpakasal siya diumano noong 1999.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN