Lorna Tolentino to fight for the inclusion of "Katas ng Saudi" in MMFF


Lorna Tolentino co-stars with Jinggoy Estrada in the 2007 Metro Manila Film Festival entry Katas ng Saudi.


Ngayong araw, June 8, malalaman kung alin sa mga isinumiteng scripts at concepts ang nakalusot sa screening committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) this year. May nagsasabing baka umiral ang usaping pulitika at baka hindi makalusot sa possible entries sa MMFF ang pelikulang Katas ng Saudi, na ipino-produce ng film company ni Jinggoy Estrada, na senador din.

Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Porta) ang set ng Katas ng Saudi. Ayon kay Lorna Tolentino, na siyang leading lady ni Jinggoy sa proyektong idinidirek ni Jose Javier Reyes, siya mismo ay gagawa ng ingay kung sakaling hindi makalusot ang pelikula nila sa MMFF.



Habang sinusulat namin ito'y may usap-usapan na baka nga maging partial ang komite ng festival sa mga kaalyadong producers ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Identified kasi si Jinggoy sa oposisyon, dahil na rin sa ama niyang si dating pangulong Joseph Estrada.



"Huwag naman sana," sabi ni Lorna. "Dahil dapat na ang maging basehan diyan ay ang laman mismo ng script. Ang direktor namin ay si Joey Reyes, at dapat na malaman nila kung ano ang worth ng mga huling nagawang pelikula ni Direk Joey sa festival.



Dagdag pa ng aktres, "Handa akong magsalita at kondenahin ang magiging desisyong hindi papabor para sa pelikula namin. Kaya lang, siyempre, wala rin naman akong magagawa."



Kung hindi man makalusot ang Katas ng Saudi sa MMFF this December, palagay namin ay mapapaaga ang showing ng pelikula.

Sinabi rin ni LT na hindi lang dahil sa friendship niya with Jinggoy at sa asawa nitong si Precy Ejercito kung bakit tinanggap niya ang Katas ng Saudi. Nabasa niya raw ang script and the mere fact na ang sumulat at nagdidirek nito ay si Direk Joey, walang dudang tama ang desisyon ng aktres.



Ayon kay Lorna, "Kung hindi naman ako naniniwala sa project, all the more na masasabi ko nang diretsahan kina Jinggoy at Precy na hindi ko gagawin, kasi mga kaibigan ko sila. It's more of the material. Let's face it, masuwerte si Direk Joey sa panahong ito, at napaka-positive ng dating niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"It's true. Nagdididikit kami talaga ni Daboy [Rudy Fernandez] ngayon sa mga taong positive ang outlook sa buhay at maganda ang karmang dumarating. Nagkaroon man ng pagsubok sa buhay namin, nakakaahon kami dahil naniniwala kaming bukod sa dasal sa Diyos, 'yong tulong ng mga taong positibo ang naglalayo sa amin sa kapahamakan," matalinhagang banggit ng aktres.

DABOY'S CONDITION. Samantala, kinumusta ng PEP si Daboy kay LT. Ipinakita pa mismo ng aktres sa amin ang diagrams at resulta ng mga pagsusuri ng doktor sa sakit na periampullary cancer ng kanyang mister.



Kami mismo ay nagulat sa halos wala nang bahid ng anumang tumor na nakikita, kung ikukumpara sa serye ng diagrams na unang resulta ng pagsusuri noon kay Daboy ilang buwan lang pagkatapos na ito'y maoperahan.



"Nakakakilos na nang magaan ang asawa ko," masayang balita ni LT sa PEP. "Nakakapag-exercise na siya at push-ups. Kailangan daw niyang gawin 'yon sabi ng doktor, kung hindi'y talagang babagsak ang katawan niya.



"Naiisip na rin niya, kahit wala pa ang complete healing, at kailangang makatiyak din kami, na sana'y makabalik din siya sa limelight. Nag-i-improve ang kondisyon ng asawa ko. Kung mag-decide siyang tumanggap ulit ng proyekto, titiyakin niyang bumalik na siya sa kanyang top shape, at hindi 'yong halatang nagkasakit siya. He really has to rest before deciding on that," sabi pa ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN