Photo of "Gretchen Barretto" and "John Estrada" kissing floods Internet


This photo of "Gretchen Barretto" and "John Estrada" is now circulating on the Internet. Speculation on when this photo was taken and what the real score is between the two celebrities, are spreading like wildfire.


Karaniwan na sa panahon ngayon ang pagkalat ng mga intimate photos, pati na sex videos ng mga celebrities, sa Internet. Bagama't may mga ilan dito na totoo, karamihan ay peke o kaya'y dinoktor, gamit ang pinakabagong teknolohiya sa computer, lalo na sa mga larawan na ginagamitan ng Photoshop.

Kaugnay nito, nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng email kahapon, June 7, kung saan nakapaloob ang mga larawan ng dalawang sikat na celebrities.

Ang unang larawan, ipinapakitang magka-akbay ang dalawa sa isang couch. Wala namang masama sa larawang ito dahil maaaring ipagpalagay na magkaibigang matalik lamang ang dalawang artista.

Ang pangalawang larawan ang gumulat sa amin at marahil sa lahat ng mga nakakita na nito sa kanilang email at cell phone. Nasa same couch pa rin ang dalawang celebrities pero sa naghahalikan na sila, as in magkalapat ang kanilang mga labi.

Makikita sa background ng larawan, na kuha sa isang camera phone, ang isang mesa kung saan may nakapatong na cake. Maaaring nakunan ang larawang ito sa isang birthday party o ibang okasyon. Malaki rin ang posibilidad na kuha ang mga larawan sa loob ng isang bahay.

Sa bandang kanan ay makikita rin ang isang nakaupong babae na malabo ang pagkakakuha kaya hindi makilala. Obviously, kaibigan o kakilala ng dalawang celebrities ang naturang babae.

Tangan naman ng celebrity na nakikipaghalikan ang isang bote na mukhang beer. Para ngang lasing at relaxed ang celebrity couple.

Sa unang tingin ay wala namang masama sa mga kuhang ito dahil maaaring magkasintahan o mag-asawa ang mga nasa larawan. Pero dahil sikat na mga artista nga ang nasa larawan ay talagang nakakagulat, lalo na't ang isa sa kanila ay may karelasyong iba ngayon.

Ang dalawang celebrities na nasa mga larawan ay sina Gretchen Barretto at John Estrada.

Bagama't may mga anak na, si John ay single ngayon pagkatapos makipaghiwalay sa kanyang dating girlfriend na si Vanessa del Bianco, ang ipinalit niya sa dating asawa na si Janice de Belen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa kasal si Gretchen sa billionaire businessman na si Tonyboy Cojuangco, pero ang alam ng marami ay walang problema ang kanilang mahigit labindalawang taong pagsasama—na nagbunga ng isang anak, si Dominique.

Sa madaling salita, maraming katanungang iniwan ang mga larawang ito nina Gretchen at John.

Una, hindi kaya peke ang mga larawang ito?

Sa mga nakakita na ng mga litratong ito nina Gretchen at John, na ang iba ay may kaalaman sa computer, wala ni isa sa kanila ang nagsabing peke ang mga ito.

Pangalawa, kailan at saan kinunan ang mga nasabing larawan?

May mga nakuhang impormasyon ang PEP na ang dalawang litrato nina Gretchen at John ay kuha nga sa isang birthday party. May nakapagsabi rin sa amin na ang petsa ng pagkuha ng mga nasabing larawan ay May 27, 2007. Sinaliksik ng PEP kung sinu-sinong mga celebrities ang mga nagdiwang ng kaarawan noong araw na ‘yon o kaya ay malapit sa nasabing petsa.

Nalaman naming ang birthday ng kaibigan ni Gretchen na si Rufa Mae Quinto ay noong May 28. Nagkaroon ng surprise birthday party kay Rufa Mae the night before her actual birthday sa kanyang bahay. Kaya maaaring tukuyin na sa birthday celebration nga ni Rufa Mae ang setting ng litrato.

Pangatlo, sino ang nagpakalat ng nasabing larawan?

Walang kuwestiyon na ang larawan ay galing sa isa sa mga um-attend ng birthday party. Marahil ay ipinakita ng taong ito sa isang kaibigan, na ipinasa sa iba, hanggang sa kumalat na nga at nakaabot sa Internet.

Pang-apat, at ang pinakamatindi, may relasyon nga ba sina Gretchen at John?

Ito ang isang tanong na tanging sina Gretchen at John lamang ang makakasagot, bagama't may mga usap-usapan na tungkol sa dalawa.

At press time ay sinusubukan ng PEP na kunin ang panig nina Gretchen at John tungkol sa mga kumakalat nilang mga larawan ngunit wala pang gustong magsalita sa kanilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kani-kanina lamang ay inilabas na ng TV Patrol World, ang primetime newscast ng ABS-CBN, ang dalawang larawan. Dismayado raw si Gretchen sa umano'y pagkalat at pagbibigay-malisya ng mga tao sa naturang pictures.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN