Judy Ann Santos will not pose sexy even for Ryan Agoncillo


"Hindi pa rin," answered Judy Ann Santos when asked if she will agree to pose for a sexy men's magazine if her boyfriend, Ryan Agoncillo, is the photographer.


Hinintay muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na maitanong kay Judy Ann Santos ang lahat ng isyung gustong malaman ng entertainment press sa press con ng kanyang anniversary concert na Bida ng Buhay Ko last Thursday, June 7, sa 95101 restaurant sa ABS-CBN compound. Pagkatapos ay saka namin itinanong sa young actress kung papayag siyang mag-pictorial para sa Maxim magazine kapag ang boyfriend niyang si Ryan Agoncillo ang photographer.

"Hindi pa rin" ang naging sagot ni Juday. "Hindi" rin ang sagot nito sa tanong kung magseselos ba siya sa sexy celebrities na ipi-pictorial ng kanyang boyfriend.

Nalaman kasi ng PEP na kinuha ng ABS-CBN Publishing ang TV host-actor na maging resident photographer ng nasabing men's magazine. Nakipag-meeting na nga raw si Ryan at naging maayos naman ang negosasyon. "He'll be starting very soon," sabi ng source ng PEP.



Hindi na bago kay Ryan ang photography dahil love niya rin ito. Dahil din dito kaya siya niregaluhan ng iba't ibang klase ng camera ni Juday.



Natatandaan ng PEP na si Ryan din mismo ang kumuha ng publicty photos ng indie movie na Umaaraw Umuulan. Nagkaroon na rin siya ng photo exhibit last year sa Glorietta Mall, patunay na may experience na siya sa photo shoot.



Kayang-kaya ng schedule ni Ryan ang bagong trabaho dahil matatapos na ang shooting ng My Kuya's Wedding ng Regal at walang conflict sa taping ng Ysabella nila ni Judy Ann. Hindi muna nila gagawin ng girlfriend ang movie nila sa Regal dahil uunahin nila ang entry sa 2007 Metro Manila Film Festival na Sakal, Sakali, Saklolo ng Star Cinema. Ang Mr. Housewife ng OctoArts Films ang isa pa nilang movie intended for the filmfest, pero hindi ito napili.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN