Ethel Booba lashes out at Iya Villania


Ethel Booba (left) says she was hurt by Iya Villania's (right) reaction to the comedienne's claim that she had sex with Iya's boyfriend, Drew Arellano.


Inamin ni Ethel Booba na nasaktan siya sa mga pahayag ni Iya Villania, na parang may halong pandidiri, pagkatapos isiwalat ng comedienne sa radio program ni DJ Mo Twister na naka-one night stand niya ang boyfriend ni Iya na si Drew Arellano. Hindi raw lubusang maisip ni Ethel kung bakit tila nandidiri si Iya sa nasabing balita.



"Bakit siya mandidiri? Bakit, may sakit ba ako? Kung gusto niya turuan ko pa siya, e!" tila naghahamong pahayag ni Ethel.



Lalo raw doble ang sakit na naramdaman ni Ethel sa isa pang pahayag ni Iya na edukadong tao raw si Drew kaya hindi raw basta-basta papatol ang kanyang boyfriend sa kung kani-kaninong babae.



"So lahat ba ng mga matatalino ay hindi puwedeng mag-sex? Bakit, kapag matalino ka ba di ka puwedeng makipag-sex? E, tao ka din, di ba? Lalo na kung lasing ka," rason ni Ethel.



Ayon kay Ethel, nangyari raw ang one-night stand nila ni Drew sa out-of-town taping ng GMA-7 sitcom nila noon na All Together Now sa Palawan. Dagdag pa niya, puwedeng magpatunay ang kanyang production assistant, make-up artists, at mga cameramen sa namagitan sa kanila ni Drew.



"Knowing nila dahil isang cottage lang ang ginamit namin," sabi ni Ethel. "Dingding lang naman ang pagitan, e. Saka may mga ebidensiya ako. Nasa akin ang brief niya, shorts, at sinturon. Pero 'yong brief, hindi ko na alam kung saan inilagay ng kapatid ko.



"Iyong belt, ginagamit ng kapatid ko hanggang ngayon, sobra! Kaya nga nang lumabas ang isyu ay sinabi ko sa kapatid ko na itago niya ‘yong belt dahil magngangawa ang mga umaapila."



Totoo ba na sa lahat ng mga celebrities na sinasabi niyang naka-one-night stand niya—kabilang na sina Wendell Ramos, Andrew Wolff, Troy Montero, Jordan Herrera, Rich Herrera—ay si Drew ang namumukod-tangi para kay Ethel?



"Doon lang sa naka-one-night stand ko, standout talaga si Drew, except kay Alex [Crisano, Ethel's ex-boyfriend]. Wala namang gagaling kay Alex, e. Gusto ko lang i-clear na nangyari ito noong wala pa kami ni Alex, long time ago pa ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi naniniwala ang komedyana na kailangan maging maganda ang isang babae para ma-satisfy niya ang kanyang partner.

"Hindi naman sa hitsura 'yon para makuha mo ang isang lalaki. Lalo na kung may sense of humor ka, makukuha mo na 'yong lalaki," sabi niya.



Ano naman ang nais niyang iparating ni Ethel kay Iya?



Ayon kay Ethel, "Nagulat lang ako sa kanya, sa reaction niya na ganun. Sana inisip din niya na kung totoo 'yon, inisip din niya na babae rin ako. Dapat nga hindi na lang siya nag-react dahil nasaktan din ako.



"Alam ko that time, hindi pa sila, e, nali-link pa lang sila. Dapat hindi siya nag-react ng ganun dahil past na 'yon. Noon pa 'yon, hindi pa sila or sila na ba kaya siya nagagalit? Parang feeling ko nga na mag-on na sila kaya siya gigil na gigil sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN