Six of the nine official entries of MMFF 2007 selected


The Executive Committee of the Metro Manila Film Festival has announced the first six official entries this year. Among the big stars who have entries are Vic Sotto (Enteng Kabisote 4), Judy Ann Santos (Sakal, Sakali, Saklolo), and Bong Revilla (Resiklo).


Nag-iba na nga ang patakaran ng taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) kung saan may choice ang producers kung anong petsa nila gustong ipalabas ang mga pelikula nila.

Siyam ang maglalaban-laban this year sa MMFF, anim ang ipalalabas sa December 25 at tatlo naman sa January 1st. Sa mga gustong maipalabas ng Pasko, natapos na ang deadline last May 18 at may official final six entries na nga na inihayag kahapon, June 8. Para naman sa mga gustong maipalabas ng January 1st, sa June 18 pa ang deadline nito at malamang na sa July naman maia-announce ang final three official entries.

For the December 25 official entries, may return bout ang nag-top three entries last year kalaban ang mga nagbabalik na festival favorites na sina Bong Revilla, Maricel Soriano, and Lorna Tolentino.

ENTENG KABISOTE 4. Part four na ang Enteng Kabisote series nina Vic Sotto and Kristine Hermosa from OctoArts Films and M-Zet Productions from the direction of Tony Y. Reyes.

Last year, ang part three ng pelikula na Enteng Kabisote: The Legend Goes On And On And On became the official topgrossing film kahit naungusan ito in the end ng Kasal, Kasali, Kasalo ng Star Cinema. Ang Enteng Kabisote rin ang nanalong Best Picture sa naging kontrobersiyal na criteria, kung saan ang topgrossing film ang ginawa ring Best Picture regardless of the film's merit.

The comedy-fantasy movie is based on the ‘90s sitcom noon nina Vic, Alice Dixson, and the late Charito Solis na Okay Ka, Fairy Ko. Nagawa ring series of movies noon ang sitcom using its original title at naging topgrossing din halos lahat. Four years ago, Vic reused the material and renamed the series Enteng Kabisote: The Legend of Okay Ka Fairy Ko.

SAKAL, SAKALI, SAKLOLO. Nagkaroon naman ng sequel ang dapat ay naging Best Picture last year na and also the unofficial topgrossing film Kasal, Kasali, Kasalo, but Star Cinema and writer-director Joey Reyes decided to use an altogether different title instead of putting the number 2 in the title.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sakal, Sakali, Saklolo na ang Part Two still starring the pair of Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo. The comedy romance movie will definitely bring back the original cast, lalo na si Ms. Gina Pareño who won the Best Supporting Actress trophy last year.

Sa MMFF 2006 awards night, hindi nagustuhan ng Star Cinema ang naging ruling ng award committee kung kaya't nakapagsalita ang executive producer na si Ms. Malou Santos during her acceptance speech that she believed KKK is the Best Picture at sinang-ayunan ito ng marami.

Nag-isip din sila na huwag na muna ulit sumali sa festival. Early this year, nagkaroon pa nga ng balita na kahit sigurado nang may part two ang KKK, malamang na hindi na nila ito isali at ipalabas earlier, around November.

SHAKE, RATTLE & ROLL 9. Part 9 naman na ang Shake, Rattle & Roll (SRR) horror franchise ng Regal Films with a new set of directors and stars, still to be written by the in-house writing team ng Regal headed by Fairlane Raymundo.

In the late '80s unang nagkaroon ng SRR na maituturing nang classic. Dito unang nanalo si Herbert Bautista ng Best Actor sa episode na "Manananggal." Although, arguably, its most popular episode was the "Refrigerator" episode nina Janice de Belen and Ms. Charito Solis directed by the late Ishmael Bernal.

Nagpahinga ang SRR nang nagpalit ng milenyo but three years ago, it was revived with a Part 7 titled SRR Y2K. Hindi man naging ganoong ka-successful as it did not reach the top three sa box-office, bumawi naman ang Part 8 last year kung kaya't most of last year's stars and directors are part of this latest entry.

Episode One is "Christmas Tree" na pagbibidahan ni Manilyn Reynes to be directed by Topel Lee. Si Manilyn ang nagbida sa SRR episode na "LRT" at si Topel naman ang nagdirek ng "Yaya." Episode Two is "Bangungot" to be directed by last year's director of "LRT" na si Mike Tuviera. Although may listed nang cast na sina Erich Gonzales, Patrick Garcia, and John Prats, malamang na mababago pa ito. Episode Three is "Last Full Show" directed by Mike's brother-in-law na si Paul Daza. Nash Aguas of last year's "Yaya" episode and Matt Evans star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BAHAY KUBO. First time namang magku-comedy for a festival entry si Maricel Soriano sa MAQ Production (Regal Entertainment) na Bahay Kubo written by RJ Nuevas and to directed by Joel Lamangan.

One of the festival favorites, halos puro drama ang ginagawang festival entry ni Marya tulad ng original Mano Po ng Regal at Filipinas ng Viva Films, although minsan na rin siyang nakapag-horror, ang Sa Piling Ng Aswang ng Regal kung saan unang naipakilala si Cogie Domingo.

Bahay Kubo is a comedy about a mother with seven children, pero isa lang doon ang tunay niyang anak—the rest ay ampon. Makakasama ni Marya sa pelikula ang mostly GMA-7 young stars headed by Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, and Yasmien Kurdi.

KATAS NG SAUDI. Comedy-drama naman ang panlaban ulit ni Lorna Tolentino sa Maverick Films movie na Katas Ng Saudi, written and directed by Joey Reyes ulit.

Also more known for her dramatic entries sa yearly festival like Mano Po 2,
nag-switch gear si LT last year by doing an offbeat comic role sa Mano Po 5 kasama ang dalawang pinakasikat na artista ng GMA-7 na sina Richard Gutierrez and Angel Locsin, na una ring ipinakilala sa first Mano Po ni LT.

Makaka-partner niya rito ang kumpare niya at ng kanyang asawang si Rudy Fernandez, si Jinggoy Estrada.

RESIKLO. Another actor-senator returns to the festival with another big budgeted sci-fi movie-si Senator Bong Revilla who will star in Resiklo from Imus Productions, to be directed by Mark Reyes, pamangkin ni Direk Joey.

Action, adventure, at fantasy ang forte ni Bong sa yearly festival tulad ng Exodus, his last entry two years ago, at Agimat. Ganito rin ang genre ng Resiklo, written by Mark also, na original choice din ni Bong na sumulat sana ng script ng Exodus.

Tulad last year, walang straight drama na pumasok at pawang either comedy, fantasy or horror or its variation na naman ang official entries. Although tatlong pelikula pa ang pipiliin to complete the Magic 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga entries na hindi nakapasok sa December 25 playdate ay ang isa pang Regal Films movie na Dear Santa Claus na pagbibidahan sana ni Vhong Navarro; ang isa pang Maverick entry na Babang Luksa sana ni Ogie Alcasid; at ang isa pang OctoArts entry na Mr. Housewife nina Juday at Ryan pa rin. Hindi rin nakapasok ang independent films na Daddy Ko Si Mommy ng Unitel Pictures na remake sana ng Ang Tatay Kong Nanay and will star Michael V.; Ang Anino ng Violett Films; Butchikik ng Red Sun; Pinoy Super Kid ng St. Peter's House; at Cuaresma ng X Zone Entertainment.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN