Gretchen Barretto and John Estrada still mum about the "kissing photo"


This controversial photo of "Gretchen Barretto" and "John Estrada" elicited various responses from the public, mostly negative. But until now, Gretchen and John remain silent about the issue.



Painit nang painit ang kontrobersiyang dulot ng naglabasang mga litrato diumano nina Gretchen Barretto at John Estrada, kung saan ang isa ay nagpapakita na naghahalikan sila.

Wala pang opisyal na pahayag ang dalawa. Isang maikling mensahe lamang ang ipinarating ni Gretchen sa TV Patrol World kagabi, kung saan sinabi niyang dismayado siya sa paglabas ng aniya'y mga malisyosong mga larawan.

At press time ay sinusubukan pa rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang pahayag nina Gretchen at John tungkol sa mga kumakalat na mga larawan sa Internet.

Kagabi, bandang alas-diyes ng gabi, ay nakausap ng editor-in-chief ng PEP at YES! Magazine na si Jo-Ann Maglipon si John, pero tumangging magbigay ng pahayag ang aktor.

"Hindi ako magsasalita," sabi ni John.

Samantala, si Gretchen naman ay hindi sinasagot ang tawag ng PEP sa kanyang cell phone.

At sa pananahimik nilang dalawa, tila umiingay naman ang mga haka-haka at espekulasyon tungkol sa kumakalat na mga larawan diumano nila. Ilang oras matapos ilabas ng PEP ang artikulo, patuloy rin itong nakakatanggap ng mga unverified claims and information.

Naisulat na namin dito kahapon na posibleng kuha ang nasabing larawan sa bahay ni Rufa Mae Quinto noong nag-celebrate siya ng kanyang birthday party. Nakatanggap ang PEP ng impormasyon na kumukumpirma na ang mga larawan ay kuha nga sa bahay ng sexy actress.

Heto pa ang isang detalye na nakalap ng PEP—Nokia N95 ang cell phone na ginamit diumano sa pagkuha ng mga larawan. Ang naturang cell phone ang tanging Nokia model na may 5 megapixel camera. May autofocus ito at kayang kumuha ng high-quality photos.

Ang tanong ngayon ay kung kaninong cell phone ang ginamit para kuhanan sina Gretchen at John, kung totoong sila nga ang nasa mga larawan na nagsi-circulate sa Internet.

Matatandaang sa isang interview ni Rufa Mae ay sinabi niyang dumalo sa kanyang birthday party noong May 27 ang halos lahat ng mga malalapit niyang kaibigan, dahilan para maiyak siya sa sobrang katuwaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung totoo ngang kuha sa birthday party ni Rufa Mae ang sinasabing kissing photo nina Gretchen at John, sino sa mga bisita niya ang kumuha ng litrato? At paano ito kumalat hanggang sa makarating sa Internet?

Dahil party nga, posibleng nagkakatuwaan lamang ang mga imbitado sa birthday party ni Rufa Mae. Maaaring dare lamang iyon sa isang laro dahil magkakaibigan naman ang lahat ng dumalo sa party.

Kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na litrato diumano nina Gretchen at John, may nakakatuwang kuwento ang talent manager ng aktor na si Douglas Quijano sa PEP.

Bumisita kasi si Tito Dougs sa taping ng Mel & Joey, ang GMA-7 talk show na hinu-host nina Mel Tiangco at Joey de Leon. Napagkuwentuhan nina Tito Dougs at Joey ang kumakalat na litrato nina Gretchen at John, kung saan tila may hawak na bote ng beer si Gretchen at may birthday cake sa mesa sa kanilang likuran.

Bigla raw humirit si Joey ng: "Ay, balewala ‘yan! Hindi naman ‘yan sa bedroom, party pa nga. Tingin ko nga, may spiritual relationship sina John at Gretchen. Tingnan mo, they are under the spirit!" Ang tinutukoy na "spirit" ni Joey ay ang ispirito ng alak na tila hawak ni Gretchen sa larawan.

Natawa na lang daw si Tito Dougs, na dalawang araw na ring hinahabol ng mga reporters upang hingan ng pahayag tungkol sa larawan diumano ng kanyang alaga at ni Gretchen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN