Ruffa says she left Yilmaz because "he hit me, he abuses me, he tortured me."


"Lahat ginagawa niya. Sinasaktan niya ako, binubugbog niya ako, pinutol lahat ng buhok ko, sinisipa ako, kinukulong ako sa cabinet, bine-belt niya ako, lahat!" says Ruffa Gutierrez about the physical abuses she got from Yilmaz Bektas.


Isang commercial gap lamang matapos ang recorded phone conversation ng Startalk kay Yilmaz Bektas kahapon, June 9, agad na hiningan ng pahayag ng naturang showbiz talk show ng GMA-7 si Ruffa Gutierrez tungkol sa mga alegasyon ng Turkish husband niya laban sa kanya.

Isa-isang sinagot ni Ruffa ang lahat ng mga paratang at isyung sinabi ni Yilmaz sa pamamagitan ng phone patch interview sa kanya ni Butch Francisco.

BUTCH: Hindi raw legal ang kasal mo kay Yilmaz dahil kasal ka pa rin daw sa iba? (Hindi tinukoy ni Butch kung sino ang lalaking pinakasalan ni Ruffa, pero ayon na rin sa mga kumakalat na impormasyon, ang lalaking tinutukoy ay si Richard Daloia, na pinakasalan diumano ni Ruffa noong January 18, 1999 sa Las Vegas, Nevada.)

RUFFA: Well, you know what, thank God hindi legal ang kasal namin because I've been trying to keep myself sane. I've been trying to be quiet this past few months, this past years that I've been tortured by him. See, I'm trying to protect him, I'm trying to protect my kids, but know he's already crossed the line.

And the real reason I left him is because all the time he hit me, he abuses me, he tortured me... The last time I left Istanbul in February, he tortured me and he hit me for 15 hours just because may nalaman siya tungkol sa akin.

Number one, my life is an open book. He didn't find me riding a camel in the middle of the desert. I'm Ruffa Gutierrez and I'm just an actress here in the Philippines. He can look on the Internet everything about me. Wala akong itinago sa kanya. He accepted me for who I am. He loved me for who I am.

BUTCH: Tutal binuksan mo na rin ang isyu ng torture. I'm just concerned, ano itong torture na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RUFFA: Ang torture na ginagawa? Lahat ginagawa niya. Sinasaktan niya ako, binubugbog niya ako, pinutol lahat ng buhok ko, sinisipa ako, kinukulong ako sa cabinet, bine-belt niya ako, lahat!

BUTCH: Was there a reason behind yung kanyang anger?

RUFFA: Wala, sira-ulo lang siya. And I'm sorry for me to say this, but this is too much. Every day he's like threatening me, threatening my Mom, threatening my Dad. It's too much so kung may mangyari man sa akin, kung mamatay man ako, iisa lang ang may gawa niyan—si Yilmaz lang.

BUTCH: Is that an admission ba na there was really a previous marriage?

RUFFA: When you're young, you know, you do crazy things, you make mistakes. But as you grow older, you learn from these mistakes and you move on. When I married Yilmaz in 2003, I changed. I became a good wife and I became a good mother.

And I think now, you know, what he's doing to me, he's trying to ruin my reputation because ayaw niya akong maging successful dito, ayaw niyang magkaroon ako ng trabaho, ayaw niya akong mag-move on.

Ilang beses na siyang tumatawag sa akin, gusto niya akong bumalik sa kanya. Hindi ko na kayang bumalik sa kanya. Di baleng mamatay na lang akong single, mag-isa kasama ‘yong mga anak ko.

Ayoko na siyang balikan pa kasi tuwing naaalala ko ‘yong mga ginawa niya sa akin, hindi ko masikmura. And the reason why my Mom is reacting this way, di alam ng publiko, because the last fight that we had, sinabi ko sa kanya, sabi ko, ‘Ma, humingi ka na ng tulong kay President [Gloria Macapagal] Arroyo.'

I left my house, tumakbo ako, punung-puno ako ng dugo. Lahat ng mga yaya ko witness ko, lahat ng mga kaibigan ko, witness ko. Umuwi ako sa Pilipinas may blackeye ako, lahat ng legs ko punung-puno ng marks. Sinabi ko sa family ko ang totoong nangyari kaya ayaw na nilang tanggapin si Yilmaz. Iyon ang totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BUTCH: Pero ito ba nagsimula nang ikinasal ka noong 2003? Immediately nangyari ba ‘yong torturing, ‘yong pagbubugbugan?

RUFFA: Hindi. Dati naman sinasaktan niya ako pero hindi ganun kagrabe. Mula noong nabaril siya, parang nag-take na siya ng mga anti-depressant. Iyong doktor pumupunta sa bahay, naging depressed siya. And then, doon nagsimula ang lahat, two years ago.

BUTCH: Sabi rin ni Yilmaz, kaya ka raw pumunta ng LA [Los Angeles] ay para kuhanin at dukutin ang mga papeles ng supposedly first marriage mo?

RUFFA: Alam mo, si Yilmaz nawawala na sa sarili niya. Araw-araw iba ang ano...one day he'll call me and say bad things about me. Just last night, I was with friends, we had dinner sa bahay ni Gov. Chavit Singson—kasama ang Mommy ko [AnnabelleRama] at Daddy ko [Eddie Gutierrez], kasama ang mga kaibigan ko. Tawag siya nang tawag, sino daw lalaking kasama ko, sino daw ang mga kasama. You know, I mean, I'm sick and tired of this and I just wanna move on.

BUTCH: Kaya ka daw umuwi ng Pilipinas dahil alam mo nang alam niya na [kasal] ka na previously?

RUFFA: Kaya ako umuwi ng Pilipinas at umalis ako doon dahil binugbog niya ako for 15 hours. Noong na-meet ko Yilmaz, alam na niya 'yong buong istorya ko, kung anong buhay ko, at alam niya 'yong tungkol sa sinasabi niyang kasal-kasal na iyon dahil first month pa lang ng relasyon namin, noong 2000, alam na niya. Inamin ko na sa kanya lahat ang totoo.

BUTCH: So wala kang itinatago?

RUFFA: Wala akong itinatago. I don't need to hide anything. I think now, it's clear. I've said enough. Ayoko na siyang balikan pa. And if he wants to make this ugly, then so be it. Ayoko nang magsalita. Tomorrow [June 10], magsasalita ako sa The Buzz and last na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BUTCH: This can get badly, sabi niya [Yilmaz], he will do everything to get the kids. Ano'ng binabalak mo ngayon?

RUFFA: No, the kids are gonna be with me because I took care of them, I'm supporting them. When I gave birth to Venice, he wasn't even there. I'm the Mom and I can take care of my kids. He hasn't sent me one single penny since February. I don't need his money. I don't need anything from him because I can support my kids.

Thank God, my Mom is there, my Dad is there, my family is there to support me. I have work and I can support my own kids. So hindi niya kayang suportahan ang mga anak ko dahil hindi naman siya nagbibigay ng sustento, apat na buwan na.

Si Yilmaz naman puro panakot lang iyan, e. Araw-araw tine-threaten niya ako, araw-araw nananakot siya. But, you know, everything that has to...regarding the custody of my kids, my lawyers will take care of that.

BUTCH: Ang sabi niya, maaari ka daw niyang kasuhan ng kidnapping dahil nailabas mo daw ng Turkey ang iyong mga anak.

RUFFA: E di kasuhan niya ako! See, you know, hindi naman ako ‘yong naglagay ng baril sa utak niya para ipadala ang mga bata sa akin. Kusang-loob niyang ipinadala ang mga bata sa akin. When I left in February, I left Istanbul alone. I left my kids with him and after ten days he sent the kids with me.

BUTCH: Ina-accuse ka rin niya na kapag tumatawag daw siya sa bahay ninyo ay hindi ka niya nakakausap at dahil wala ka raw sa bahay?

RUFFA: Kasi ayaw ko siyang kausapin. Pinapatay ko ‘yong phone niya. I don't wanna speak to him anymore. Ang phone ko pinapatay ko because he calls me 55 times a day. He stresses me out, nagkaka-wrinkles na ako, pumuputi ang buhok ko. He's [a] psycho, so every time he calls the house, pinapapasa ko lang sa mga katulong. At hindi ako gabi-gabing lumalabas at gabi-gabing lasing. Hello, excuse me?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BUTCH: Ano ang message mo kay Yilmaz?

RUFFA: Wala akong message sa kanya, sana he'll leave me alone. I hope he moves on with his life the same way that I'm moving on with my life.

BUTCH: Anong message mo sa family mo na talagang tumutok sa iyo all this time?

RUFFA: Sa pamilya ko, I'm proud to have a mother like Annabelle Rama. I'm proud to have a father like Eddie Gutierrez. They've been with me through this difficult time in my life. And he can say whatever he wants regarding my Mom, but my Mom will just [protect] me. And my Mom will never ever allow me to go back to him because nakita niya lahat ng mga pasa ko, nagpakuwento siya sa mga yaya ng anak ko.

And the reason why na hindi puwede tumira 'yong mga anak ko sa kanya because they're not safe in Istanbul with him—his reputation, his business. Hindi sila safe kasama si Yilmaz sa Istanbul.

BUTCH: Message mo kay Lorin at Venice?

RUFFA: Wala akong message sa kanila dahil wala silang alam sa nangyayari. And I want to leave it that way.

Sana ho, ‘yong mga nakikinig ngayon sa akin—ang mga Pilipino, lahat ng mga nanay, lahat ng mga may asawa who's gone through what I've gone through—sana po pakinggan ninyo ako, ako po ang Pilipino, hindi si Yilmaz. He's from a different kind, he's from a different breed.

Sa akin kayo maniwala, especially sa mga babae dahil babae rin kayo. Kung sinasaktan na kayo ng asawa ninyo—at hindi lang sampal at sipa—kapag tino-torture na kayo, nilalagyan na kayo ng baril sa ulo at tinututukan na ng baril...

I think my decision to leave him is the best decision I'll ever make in my life because he will never change, he will only get worse. And I have to protect myself, my safety, and the safety of my kids. That's why I'm in the Philippines now, this is where I'm safe and this is my home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

I hope all of you respect my decision and support me kung ayaw ko nang balikan ang asawa ko. Sana maintindihan ako ng mga tao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN