MMFF retains controversial ruling in choosing best-picture winner


"The MMFF ay para sa publiko... Pera nila ang ipinambabayad sa mga pelikulang kalahok and I think, ‘yong commercial and artistic criteria should be one. Maganda na ang pelikula, kumikita pa," says Chairman Bayani Fernando.


Wala raw babaguhin si MMDA Chairman Bayani Fernando at ang executive commitee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa ginawa nilang criteria sa taunang film festival. Mas mataas pa rin daw ang commercial viability ng isang filmfest entry para ito ang magwagi bilang best picture.



Naging kontrobersiyal last year ang tinaguriang criteria na ito dahil marami ang nagprotesta. Matatandaang nagreklamo ang Star Cinema Productions dahil sa kabila ng paghakot ng maraming awards ng entry nilang Kasal, Kasali, Kasalo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay ang Enteng Kabisote 3 pa rin ang itinanghal na best picture. Nagwagi ang Enteng Kabisote 3 dahil ito ang pinakamalakas sa takilya noon, kahit pa nga wala itong napanalunang ibang awards.

Ayon kay Chairman Fernando, walang mababago sa kanilang criteria. Kung may gusto raw ang publiko na manalo ng best picture, hinihikayat niya ang mga ito na panoorin ang pelikulang iyon para maging big hit at eventually manalo ng top award.



"The MMFF ay para sa publiko. We do this every Christmas time para mapasaya natin ang bawat pamilyang Pilipino. Pera nila ang ipinambabayad sa mga pelikulang kalahok and I think, ‘yong commercial and artistic criteria should be one. Maganda na ang pelikula, kumikita pa," paliwanag ni Chairman Fernando.

Magsasalpukan ulit sa takilya sa darating na MMFF 2007 ang pelikula nina Vic Sotto (Enteng Kabisote 4 ng M-Zet at OctoArts Films) at nina Juday at Ryan (Sakal, Sakali, Saklolo ng Star Cinema).

Ang apat pang nakasama ay Resiklo (Imus Productions/Ignite Media); Bahay Kubo (MAQ Productions); Katas Ng Saudi (Maverick Films); at Shake, Rattle & Roll 9 (Regal Entertainment).



May tatlo pang pelikulang pipiliin sa July para mabuo ang Top 9 MMFF official entries.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN