GMA-7 takes a second look at Mike Tan


"Aaminin ko, may time na sobrang nalungkot ako, na dumating ako sa point na halos nawalan na ako ng pag-asa na magkakaroon ulit ako ng mga regular shows. Pero ngayon, meron na," says Mike Tan.


Loveless pa rin ngayon ang young actor na si Mike Tan. Ito ang sinabi niya sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng telepono kahapon, June 9.

Ayon kay Mike, mas naka-focus ang atensiyon niya ngayon sa kanyang career. Lalo ngayon na pagkatapos ng ilang buwang pamamahinga ay muli siyang haharap sa kamera sa mga malalaking projects na ilalaan sa kanya ng GMA-7.

For a time, nagkaroon ng kaba si Mike na baka dahil marami na ngang baguhang artista ang Kapuso Network, partikular na ang Batch 4 ng StarStruck na pinanggalingan din ng young actor bilang Ultimate Male Survivor ng Batch 2. Baka raw kasi hindi na siya mabigyan ng atensiyon at kaukulang pag-aalaga ng kanyang home studio.

Pero masayang ibinalita ni Mike na may mga proyekto nang naka-lineup para sa kanya. Dahil dito, nabura na raw ang lahat ang kanyang lungkot at pag-aalinlangan.

"Siguro naghanap lang ng magandang projects for me ang GMA, kaya medyo pinagpahinga muna ako," sabi ni Mike.

"Aaminin ko, may time na sobrang nalungkot ako, na dumating ako sa point na halos nawalan na ako ng pag-asa na magkakaroon ulit ako ng mga regular shows. Pero ngayon, meron na. Although hindi ko pa puwedeng sabihin kung anu-ano ‘yon, confidential pa. Basta malalaman din ninyo, at masosorpresa kayo," masayang pahayag ni Mike.

Abala si Mike ngayon sa lalo pang pagpapalaki ng kanyang katawan sa pamamagitan ng pagwu-workout. Ang isa raw kasi sa mga projects na naka-lineup para sa kanya ay kakailanganin ang maganda niyang pangangatawan. Kaya malamang, one of these days, makikita na natin ang isang more daring and sexier Mike Tan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN