Keempee de Leon says the "Eat Bulaga!" show goes on


"I can only speak for myself and up to now naman ay wala pang anumang pasabi o advise. Kaya tuloy ang trabaho," says Keempee de Leon about rumors hounding Eat Bulaga!.


Ayon kay Keempee de Leon, wala pa raw advice o notice about his status sa Eat Bulaga! ang nakakarating sa kanya. Lately kasi ay talagang naging obvious ang pag-unti ng cast members ng nasabing longest-running noontime TV show sa bansa.

Sa kaswal na pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Keempee, naipaliwanag ni Keempee na until now ay itinuturing niyang regular fixture pa rin siya sa Eat Bulaga!.

"May mga nawala na nga, pero ‘yong iba ay talagang nakabakasyon lang. Gaya ni Ate Ruby [Rodriguez], nasa abroad lang siya dahil sa kanyang business. I can only speak for myself and up to now naman ay wala pang anumang pasabi o advice. Kaya tuloy ang trabaho," paliwanag ni Kempee, na four years na rin palang araw-araw na napapanood sa Eat Bulaga!.

Inamin din ng aktor na madalas ang kanilang meeting ngayon para sa mga bagong developments o segments na nais idagdag at lalong Ii-improve sa show.

Being one of Ms. Malou Choa-Fagar's wards, Keempee hopes na mabibigyan siya ng advice if ever ngang may isyung palitan o tanggalan sa show.

"Pero mukhang wala namang ganung mangyayari dahil, as of now, ay kami-kami pa rin ang naroroon at nagta-try na lalong pagbutihin ang trabaho namin," sabi ni Keempee.

Sa ngayon ay ini-enjoy raw ni Kimpoy ang kanyang seven-year-old daughter na si Sam, na at her age ay medyo may katangkaran na. Halos pantay na raw sa balikat ni Keempee si Sam, at tuwang-tuwa ang aktor na namana nito ang magandang height ng ina ng bata.

Anak niya ang bata sa isang non-showbiz girl at dahil okay naman sila at naibabahagi niya ang kanyang mga rights as her father, "parang hindi na yata kailangan pa ‘yong legal process na i-adopt ko siya," sabi ni Keempee.

Happy naman daw si Kempee sa buhay niya ngayon kahit wala siyang lovelife. Hindi na raw bagay sa edad niya ngayon ang makipag-unahan dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung darating ay darating," nakangiting tugon ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN