Yasmien Kurdi or Jennylyn Mercado? Who's the better dramatic actress?


"Kung sinasabi po ng iba na okay ako sa drama, sa paniniwala ko, ganun din si Jen. Pareho kaming nakakaarte nang tama," says Yasmien Kurdi (right) about the comparison to Jennylyn Mercado (left).


Ayaw tanggapin ni Yasmien Kurdi ang paniniwala ng iba na mas mahusay siyang dramatic actress kumpara sa kaibigan at ka-batch niya sa StarStruck na si Jennylyn Mercado. Marami kasi ang pumupuri sa acting ni Yasmien sa soap opera ng GMA7 na Pati Ba Pintig ng Puso?.

"Kung sinasabi po ng iba na okay ako sa drama, sa paniniwala ko, ganun din si Jen. Pareho kaming nakakaarte nang tama," mapagkumbabang sabi ni Yasmien.

"Ayokong sinasabi na kesyo mas magaling na ako kay Jen, na mas nakakaangat na ako sa kanya, hindi. Pareho lang kami, at si Jen, Ultimate Survivor siya [sa StarStruck], di ba?"

Pero ang tanggap ni Yasmien, mas lamang sa kanya si Jennylyn kung lovelife ang pag-uusapan.

Si Jennylyn kasi, may Patrick Garcia. Si Yasmien, although nali-link siya sa kinakikiligan niyang si JC de Vera, wala pang ligawang nangyayari sa pagitan nila.

"Wala, wala talaga," pakli ni Yasmien.

Speaking of Pati Ba Pintig ng Puso?, all praises si Yasmien sa kasama niya sa afternoon soap na ito, si Eddie Gutierrez.

"Si Tito Eddie, sobrang bait, grabe! Sobrang down-to-earth. Sabi ko nga, sana lahat ng mga beteranong artista, ganun kabait. Mabait siya talaga."

May nakatrabaho na ba siyang beteranong artista na hindi mabait?

"Hindi, sabi ko lang, sana lahat, ganun," paglilinaw niya. "Sana ano, I mean, ang bait kasi niya. Ang bait niya [Eddie] talaga, 'yon lang. Down-to-earth, sobra, wala akong masasabi. Hindi ko akalain na ganun siya, sobra!"

Samantala, matagal nang hindi kumakain ng karne si Yasmien. Napapangatawanan naman ito ng young actress-singer kaya naman slim na slim na siya ngayon.

Pero kung dati ay hindi siya kumakain ng kanin, bumalik siya sa pagkain ng rice dahil hindi na nga siya kumakain ng anumang uri ng meat.

"Nag-start ako noong mga first quarter nitong year na ito," sabi ni Yasmien. "Super-vegetarian ako, pero I'm eating rice kapag hinang-hina na ako, kapag hindi ko na kaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Two months or three months na, kahit fish wala. Hindi na ako natatakam sa karne. Vege meat, kumakain ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN