No reconciliation for Paolo Paraiso and Mylene Dizon


"I guess it's time for both of us to move on. Baka mas okay na iba ang partners namin," says Paolo Paraiso about his relationship with former lover Mylene Dizon.



Mukhang wala na ngang pag-asa na magkabalikan pang muli sina Paolo Paraiso at Mylene Dizon. Ginawa na raw kasi ni Paolo ang lahat para ma-please si Mylene, pero mukhang hindi pa raw enough ang ginagawa niya para tuluyan siyang balikan ng dating karelasyon.



Pero ang maganda kina Paolo at Mylene, kahit hiwalay na sila ay nananatili pa ring magkaibigan at caring parents sa anak nilang si Tomas.



Nagagawa pa ring mag-escort ni Paolo kay Mylene sa mga showbiz events at nagkakasama sila sa mga children's parties kung saan imbitado si Tomas. Ayaw raw kasi nilang um-attend ang bata kapag wala silang dalawa.



Marami ang nagsasabi na ang mabilis na pagkakaroon nina Paolo at Mylene ng relasyon ang naging dahilan kung bakit bigla silang nagkasawaan agad. Hindi pa raw siguro nila nakikita ang mga diperensiya sa isa't isa noon kaya akala nila ay compatible sila.



Nabanggit ni Paolo na unti-unti na niyang nakikita ang mga differences nila ni Mylene. Hindi na lang daw ito binanggit ni Paolo dahil baka raw magalit pa sa kanya si Mylene.



"What's important ay ‘yong magkaibigan kami. I guess we are better off na magkaibigan na lang," sabi ni Paolo.

"Noong magkakilala kami ni Mylene, we never had the chance to really get to know each other nang matagal. Basta nagkaroon na kami ng attraction. Naging kami na biglaan. Kumbaga, whirlwind romance ang nangyari sa amin.



"Pero no regrets kasi minahal naman namin ang isa't isa. Kaya nga nagkaroon kami ng baby, di ba? I guess it's time for both of us to move on. Baka mas okay na iba ang partners namin."



"Loveless" daw si Paolo ngayon dahil naging mapili na ito sa babaeng matitipuhan. Tanggap na raw niyang maraming manliligaw si Mylene ngayon at sana raw ay makahanap siya ng tamang lalake.



"Makahanap din sana ako ng tamang babae para sa akin," pagtatapos ni Paolo, na kasama sa cast ng pelikulang Angels.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN