Billy Crawford to do a Hollywood movie with Whoopi Goldberg


Pinoy international recording artist Billy Crawford has announced that he will be doing a Hollywood film with Oscar-winner Whoopi Goldberg.


Nabanggit ng international recording artist na Billy Crawford na kahit na busy siya sa promotion ng kanyang bagong album sa Europe, US, at Asia ay naisisingit pa rin niya ang mag-audition sa anumang role na makuha ng kanyang agent sa New York at Hollywood.



Though priority ni Billy ang kanyang music dahil nagtayo siya ng sarili niyang production company na siyang magpo-produce ng kanyang mga albums at ng ibang recording artists in the future, nae-excite din siya kapag may nalalaman siyang may gusto pa ring kumuha sa kanya sa pelikula.



Huling napanood si Billy sa dapat na prequel ng suspense-horror film na The Exorcist titled Dominion na idinirek ng Hollywood filmmaker na si Paul Schrader.

Pero naging straight-to-DVD ang naturang film debut sana ni Billy dahil nagpagawa ulit ng ibang version ang producers ng project sa ibang director. Kulang daw kasi sa "shock value" ang idinirek ni Schrader na version kaya sa DVD at sa cable movie channels na lang ito napapanood.



Ngayon ay ibinalita ni Billy na may gagawin siyang pelikula with Hollywood actress Whoopi Goldberg. Tuwang-tuwa nga raw si Billy dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon to work with the Oscar-winning actress. Wala pa raw title ang movie na gagawin ni Billy with Whoopi, who won an Oscar for her performance in the movie Ghost.



Kaya ang mangyayari ay babalik-balik sa US si Billy dahil nga sa gagawin niyang pelikula at promo ng kanyang album. Makikita lang si Billy rito sa Pilipinas dahil sa kanyang reality dance show na Move! The Search For Billy Crawford's Pinoy Dancers. Eight weeks kasi tatakbo ang naturang reality show kaya matagal-tagal ding mapapanood sa local TV si Billy.



Pinaghahandaan na rin ni Billy ang kanyang first big concert na magaganap sa August Araneta Coliseum.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN