Ara Mina clueless about rumored Cristine Reyes-Dennis Trillo link


Ara Mina's younger sister, Cristine Reyes, is now being linked to matinee idol Dennis Trillo. Problem is, Ara is not aware of this rumor.


Sina Dennis Trillo at Cristine Reyes na ba?

Huli sa balita si Ara Mina kaya nagulat na lang nang tanungin siya sa isang VTR interview for Showbiz Central tungkol sa kumakalat na balita na special closeness diumano ng kapatid niyang si Cristine kay Dennis.



Ayon kay Ara, matagal na raw niyang hindi nakakausap si Cristine dahil hindi na raw niya ito kasama sa bahay. Dapat nga raw ay kasama si Cristine sa huling pagpunta ni Ara sa United Sates, pero hindi ito nabigyan ng US visa.



"Wala akong alam diyan, huh!" gulat na reaksiyon ni Ara. "Nakasama ko si Dennis sa New Jersey sa promotion namin ng GMA Pinoy TV at wala naman siyang nababanggit sa akin. Kung totoo nga ‘yan, ang galing naman nilang magtago kasi clueless talaga ako."



Naging close raw sina Dennis at Cristine nang gawin nila ang telefantasya na Super Twins sa GMA-7. Ayon sa aming reliable source, na kabilang sa production team ng Super Twins, may na-develop sa dalawa dahil halos every day ay magkasama sila noon sa taping na nasabing telefantasya.



Kung sakaling totoo ang tsismis na ito between Cristine and Dennis, okay lang ba kay Ara si Dennis? Knowing Ara is very protective kay Cristine at gusto niyang may approval siya sa makakarelasyon ng kanyang kapatid kung saka-sakali.



Ayon kay Ara, "Just as long as mabait, magalang at walang pananagutan sa ibang babae ang mali-link kay Cristine, okay sa akin. Okay naman si Dennis, e. Mabait at tahimik na tao. Iyon nga lang ay lapitin ng intriga. Hindi ba't siya ang itinuturong ama ng ipinagbubuntis ni Carlene Aguilar?



"Nasa US kami noon nang lumabas ang balita [tungkol kay Carlene]," patuloy niya. "Wala namang nababanggit si Dennis regarding sa issue. Kapag tinatanong siya, ngumingiti lang siya.

"Pero one of these days kapag nagkita kami ni Dennis, itatanong ko sa kanya ang tungkol kay Cristine. Parang ako pa ang nahuli sa balita, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN