Boy Abunda on Gretchen and John: "There is no affair between them."


Gretchen Barretto admits that she is the woman on the photo kissing John Estrada. Gretchen's manager, Boy Abunda, says Gretchen has to face the consequence of telling the truth.


Sa pamamagitan ng mensaheng ipinahatid niya sa kanyang manager at kaibigan na si Boy Abunda sa The Buzz kaninang hapon, June 10, inamin ni Gretchen Barretto na siya at si John Estrada nga ang naghahalikan sa larawang kumakalat sa Internet at lumabas na sa iba't ibang TV shows at pahayagan.

Pagkatapos ng The Buzz kanina ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kuya Boy upang kunan ng karagdagang pahayag.

"Gusto lang naming magsabi ng totoo and she will face up to the consequence of the truth," diin ni Boy. "Kung ano ang resulta ng totoo, I mean, I don't know. But I'd rather tell the truth kasi, kesa naman iwanan natin ang lahat na nanghuhula kung ito ba ay totoo, kung ito ba ay digitally enhanced."



Dagdag pa niya, "Pero hindi ko sinasabi na by telling the truth, is tantamount na wala kang responsibilidad. That's why sinabi ko nga, haharapin ni Gretchen kung anuman ang kaparusahan ng pagsasabi ng totoo."



Ito ang pangalawang pagkakataon na naungkat ang isyu kina Gretchen at John. Unang natsismis ang dalawa noong March, ilang araw pagkatapos ng anniversary party ng YES! magazine at launching ng PEP last February 28, 2007, sa NBC Tent. Pero sa isang panayam ng PEP kay John ay itinanggi niya na may namamagitan sa kanila ni Gretchen. Pagkatapos nito ay bigla ring namatay ang tsismis.

Hanggang sa lumitaw ang mga larawan nina Gretchen at John na kuha sa birthday celebration ni Rufa Mae Quinto noong May 27, 2007, sa mismong bahay ng sexy comedienne. Dahil dito, lumakas ang duda ng marami na may relasyon nga sina Gretchen at John. Ito ay sa kabila ng katotohanang live-in partner ni Gretchen ang billionaire businessman na si Tonyboy Cojuangco at may isa silang anak, si Dominique.



"Wala. There is no affair between them," pagtanggi ni Kuya Boy.



Ayaw magbigay ng sarili niyang interpretasyon si Kuya Boy tungkol sa mga kumakalat na litrato. Hahayaan na lang daw niya si Gretchen na magpaliwanag dahil ayaw niyang pangunahan ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"It's enough for me na nagsasabi ako na bilang manager at kaibigan, na totoo ‘yong litrato. Kung ano ang kuwento sa likod ng litrato, hahayaan ko siyang magpaliwanag. She'll appear in due time, sana. Ayokong pangunahan talaga at ayokong mabigay ng interpretasyon," paliwanag niya.



Napag-usapan din daw nila ni Gretchen ang naging reaksiyon ng live-in partner ng aktres na si Tonyboy, pero ayaw itong pag-usapan ni Kuya Boy.



Aniya, "There are things that have to be said and there are things that cannot be said. May pinag-uusapan ang mga magkakaibigan na hindi nilalabas."



Kinumusta rin ng PEP kay Kuya Boy ang lagay ngayon ni Gretchen.



"Okay siya. Ah, nagdudusa. She's very sorry. Nahihiya, but matapang," sagot ng manager ni Gretchen.

Paano pinagdurusahan ni Gretchen ang pangyayari?



"Of course! I mean, hindi madaling sabihin na totoo ang litratong ‘yan habang may karelasyon ka. Of course, she's suffering. She's struggling."



Tinanong din namin si Kuya Boy tungkol naman sa kumakalat na balita na nakipag-date diumano si Tonyboy sa young actress na si Kristine Hermosa.



"I don't know," pakli niya. "Wala akong alam. This is the first time I'm hearing it. Ayoko nang dugtungan ang mga bagay na hindi ko pa natatapos. Hindi ko alam."



As a manager, sa tingin kaya ni Kuya Boy ay makakaapekto ang kontrobersiyang ito sa mga endorsements ni Gretchen?



"Mag-aantay kami," sagot niya. "Iyan ang bahagi ng sinasabi namin na kung anuman ang consequence haharapin namin. Kung ano ang latigo, kung anong parusa, haharapin namin dahil nagsabi kami ng totoo. So, ayokong mag-conjecture, ayokong mag-speculate kung ano ang magiging epekto. Ang importante, tama na ‘yong espekulasyon.



"Sabi ko nga sa inyo, laban sa advise ng mga kaibigan namin, I wasn't supposed to say anything. Kaya noong nasa dressing room ako, isinulat ko lang ‘yong mga points kasi we were advised not to, kasi wala raw mali pag wala kaming sinabi. But there are things that we have to clear."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



On John's side, hindi ba dapat marinig din ang kanyang panig about the issue? Hindi ba siya kinausap ng aktor?



"Hindi kami nagkikita. Hindi kami nag-uusap," sabi ni Kuya Boy.



"Kung magsasalita siya, I don't know. That's his decision. I don't know. It will be his call. It will be the decision of John. John and I are friends. I will not malign John.

"Narinig nyo naman kanina, Gretchen had that photo with her consent. Hindi naglilinis-linisan. At hindi sinabi ni Gretchen na pinilit siya," diin ni Kuya Boy.

May espekulasyon din na lasing diumano ang karamihan ng mga bisita ni Rufa Mae sa kanyang birthday party kaya posibleng tipsy na raw si Gretchen nang mga sandaling naghalikan sila ni John. Ano ang masasabi ni Kuya Boy rito?

"Hindi ko alam," aniya. "Wala ako doon. Ang alam ko lang, hindi umiinom si Gretchen. Kasi katulad ko ‘yan, hindi ako umiinom. Pero pag painumin mo ako ng isang ganyan, red wine, lasing na ako. Gretchen doesn't drink, e. Iyan ang pagkakaalam ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN