Governor Vilma Santos: "Una sa lahat, ang pamilya ko muna."


For the first time after her proclamation as the new governor of Batangas, Vilma Santos guested on The Buzz with husband Ralph Recto and children Luis Manzano and Ryan Christian.


For the first time, after her proclamation as the new governor of Batangas, nag-guest ang Star For All Seasons at dating Mayor ng Lipa City na si Vilma Santos sa The Buzz kahapon, June 10. Kasama niya sa live show ang kanyang mister na dating senator Ralph Recto at may bonus pang appearance ng kanyang dalawang anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto.



Binati nina Luis at Ryan ang kanilang ina for winning the governorship of Batangas, at the same time ay binigyan naman nila ng inspiring words si former senator Recto, na natalo noong nakaraang eleksiyon.

Naghiyawan ang Vilmanians na nasa loob ng studio nang pagkatapos i-congratulate ang kanyang ina, binanggit ni Luis ang posibilidad na tumakbo bilang kandidato sa pagka-presidente ng Pilipinas si Governor Vi.



"Nagpapasalamat ako sa pamilya ko at alam ninyo po, kahit manalo pa ako bilang Presidente ng Pilipinas kung hindi magiging intact ang family ko, kalimutan natin ang lahat. Ang lahat po, una sa akin kung bakit ako ganito—may adrenaline-positive sa buhay—because my family is intact. At bago lahat, lahat-lahat, una sa lahat, ang pamilya ko muna," diin ng actress-politician.



Sa ibinigay na pahayag ni Ralph during his announcement sa pagko-concede niya sa labanan ng pagka-senador last May 14 elections, sinabi niya ang katagang, "Honey, I'm home."



"Of course, he's home. Masaya, of course for the family. At least he has now more time with the family," reaksiyon naman ni Ate Vi.



Since mapapadalas na nga sa bahay si Ralph, puwede na kaya nilang sundan si Ryan Christian?



"Ever since naman ang priority ko family ko. Since we're all together now, ‘yong may tatawag na Kuya Christian? Uh, why not?!" sabay tawa ni Governor Vi, who is now 53 years old.



Nakarating na rin kay Vilma ang sentimiyento ng beteranong TV host na si German Moreno sa hindi niya pagsipot sa tatlong imbitasyon sa kanya. Ayon kay Governor Vi, tinext na raw niya si Kuya Germs at nagkasundo na silang babawi siya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Tiniyak daw ni Governor Vi na darating siya sa special birthday celebration na ibibigay sa kanya ni Kuya Germs sa programa nito sa GMA-7 na Master Showman Presents Walang Tulugan sa November.



Samantala, may offers ang dalawang giant TV networks kay Governor Vi. Isang mala-drama anthology ang inaalok ng ABS-CBN sa kanya, samantalang talk show naman with Ralph ang offer ng GMA-7. Parehong gusto ito ni Governor Vi, but according to some sources, mukhang mas feel gawin ng Star For All Seasons ang talk show with her husband.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN