FIRST READ ON PEP: Yilmaz to send Dolly Anne evidence against Ruffa and Annabelle


Columnist Dolly Anne Carvajal says that Yilmaz Bektas will mail her his cell phone, which he intends to use against Ruffa Gutierrez and Annabelle Rama.


Laking-gulat daw ng entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal nang makatanggap siya ng isang text message mula sa dating asawa ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas. Noong una raw ay inakala niyang isang prank lang ito, pero nang makita niyang international number ang ginamit ng nag-text, nagbigay raw siya ng isang landline number para matawagan siya.

"Tumawag siya after a few minutes, si Yilmaz nga. Nakakagulat pero I had to accept the call," panimulang kuwento ni Dolly Anne sa exclusive interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon kay Dolly Anne, oras daw ang itinagal ng kanilang usapan. May bahagi pa nga raw na French ang kanilang salitang ginagamit. Magalang at mahinahon daw ang Turkish businessman. Gusto lang daw nitong linawin ang ilang bagay tungkol sa pinagdadaanan nila ni Ruffa ngayon kaya siya tumawag kay Dolly Anne.

Apektado raw ang mga kamag-anak ni Yilmaz tungkol sa nangyayari ngayong awayan sa pagitan nila ni Ruffa.

"Sinabi niya sa akin na naospital daw ang nanay niya dahil sa nangyayari ngayon," dagdag ni Dolly Anne.

THE "VINDICATION." Sa pakiramdam ni Dolly Anne ay "vindicated" daw siya dahil sa mga pangyayari. Matatandaang nag-ugat ang awayan nila ni Ruffa at ng ina nitong si Annabelle Rama nang isiwalat ni Dolly Anne sa kanyang column sa Philippine Daily Inquirer ang isang web link na nagsasabing kasal daw si Sharmaine Gutierrez (tunay na pangalan ni Ruffa) sa isang Richard Daloia noong January 18, 1999 sa Las Vegas, Nevada.

"Ngayong umamin na siya na kasal nga sila nung Richard, di ba, isang malaking vindication sa akin ‘yon? Factual lang naman ako. Hindi tsismis ang isinusulat ko. Ipalagay na nating may minor mistakes doon sa age at hitsura nung Daloia, pero ang point is, kasal nga sila," diin ni Dolly Anne.

Sa interview ni Ruffa sa The Buzz, June 10, sinabi nitong kaya raw siya nagalit kay Dolly Anne ay isinulat daw ng kolumnista na "drug lords" ang pamilya ni Yilmaz. Nahihiya raw si Ruffa dati sa pamilya ni Yilmaz kaya't kailangan lang niyang depensahan ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Now you can write about anything and nobody's going to fight with you, honey," pagtatapos ni Ruffa sa nasabing interview sa kanya ni Boy Abunda.

"Paulit-ulit kong sinasabi, I did not write that. I simply translated the Turkish newspaper headline, dahil nga Linguistics major ako. Pero di ko maintindihan. Kasi, even Yilmaz now understands that it's just my job. Hindi niya pine-personal kahit tungkol sa kanya ‘yong nai-translate ko," paliwanag ni Dolly Anne.

MOCK ME, MOCK ME, AGAIN! Ready rin daw si Dolly Anne na tumanggap ng mga komento mula sa mag-inang Annabelle at Ruffa tungkol sa isyu. Pero may kundisyon ang kolumnista.

"If she says the truth!" sabi ni Dolly Anne tungkol kay Ruffa. "Ang hirap kasing paniwalaan ang sinasabi niya ngayon. Tulad na lang nang inilagay daw siya sa bathtub at in-electrocute. Huh? Alam ba niyang fatal ‘yon? Nakakamatay ‘yon, di ba?

"Ilang beses na siyang umuuwi sa Pilipinas, full media coverage parati. Nakita ba natin siyang black and blue? Besides, hindi ko rin siya nakita na maikli ang buhok niya, paano kaya siya ginupitan ni Yilmaz?" nagtatakang pahayag niya.

"Basta she will not attack me like a vicious beast. Basta civil lang siya," sabi naman ni Dolly Anne tungkol kay Annabelle.

Ayon kay Dolly Anne, sinabi raw ni Yilmaz sa kanya na magpapadala siya ng ilang ebidensiya sa kolumnista. Ibinalita rin ng Turkish businessman na nakausap na raw niya ang ilang bigating lawyers sa iba't ibang bansa para humawak ng kaso.

"Ime-mail daw niya ang cell phone niya sa akin para makita ko ang mga messages na ipinadala sa kanya. Pinagkakatiwalaan daw niya ako at gagamitin daw niya itong ebidensiya laban sa mag-ina," sabi ni Dolly Anne.

DIVINE INTERVENTION. Naniniwala rin si Dolly Anne na ginagabayan siya ng kanyang namayapang ina, si Inday Badiday, ngayon.

"When I was writing my column last week tungkol sa sagot ko sa mag-inang Annabelle at Ruffa, nakakakilabot. Iyak ako nang iyak. Ang pakiramdam ko, nakayakap sa akin si Mommy and she was telling me everything will turn out okay. True enough, after a few days, mismong si Ruffa ang umamin tungkol sa mga inilabas ko sa diyaryo. Then ito nga, ‘yong pagtawag ni Yilmaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa pa, siguro kailangan kong ipaglaban din ang legacy ni Inday Badiday. Icon ‘yan, e. And she happens to be my mother. Hindi dapat namamali ang pag-handle ng ilang bagay lalo na ang maseselang interview. Tinext ko nga ang isang showbiz talk show host para paalalahanan: ‘If my mom were alive, maybe you can learn a pointer or two sa kanya on how to handle good interviews,'" kuwento ng kolumnista.

Hindi man pinangalanan, maaaring si Pia Guanio ang tinutukoy ni Dolly Anne dahil nabalitang nagtampo ang huli dahil sa interview ni Pia kay Annabelle sa Showbiz Central dalawang linggo na ang nakakaraan.

"Hindi rin naman ako nagagalit sa kanya. Friend ko itong host na ito, pero pahupain na lang niya ang tampo ko, okay na ako. I did not tell her to side with me, pero sana na-regulate niya ‘yong pag-lambast sa akin ni Annabelle," paliwanag ni Dolly Anne.

Samantala, sinubukan ng PEP na kunin ang reaksiyon ni Ruffa sa pamamagitan ng publicist ng Gutierrez family na si Jun Lalin. Pero tumanggi silang magbigay ng pahayag dahil nasabi na raw ni Ruffa ang lahat ng gusto niyang sabihin sa interviews niya sa Startalk, The Buzz, at 24 Oras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN