Bearwin Meily has big dreams of money and magic


"Siyempre, kapag stockholder ka ng GMA-7, padalaw-dalaw ka na lang sa taping at itatanong mo na lang kung kumusta na ba ang mga show natin. At siyempre, ‘yong mga bossing sa Siete ay magiging ka-level ko na, iba ang feeling nun, di ba?" says Bearwin Meily.



May dalawang pangarap ang komedyanteng si Bearwin Meily—ang maging stockholder ng GMA-7 at magkaroon ng sariling magic show.

Nang dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Lupin recently ay pinag-uusapan ng mga cast nitong sina Richard Gutierrez, Ramon Christopher, Boy2 Quizon, at Bearwin ang masuwerteng Cebuano na nanalo ng P126 milyon jackpot sa lotto.

Ayon kay Bearwin, kapag sinuwerte rin siyang manalo ng milyun-milyon sa lotto, bibili siya ng dalawang bahay, mga sasakyan, at higit sa lahat, ang share of stocks sa GMA-7.

"Siyempre, kapag stockholder ka ng GMA-7, padalaw-dalaw ka na lang sa taping at itatanong mo na lang kung kumusta na ba ang mga show natin. At siyempre, ‘yong mga bossing sa Siete ay magiging ka-level ko na, iba ang feeling nun, di ba?" natatawang sabi ni Bearwin.

"Kaya lang ang pinagtatalunan, e, kung ipagsasabi ko ba o hindi na nanalo ako ng lotto. Siyempre, kailangan low profile ako dahil nanganganib ang buhay ko. Kaya mahirap din ang marami kang pera at ang wala!"

Ukol naman sa pagkakaroon ng sariling magic show sa TV, naikuwento rin niyang malapit na itong mangyari. Matatandaang nagkaroon na sila dati ni Benjie Paras ng magic show, kasama ang magician na si Eric Mana.

"Tuloy na tuloy na rin ang matagal ko nang pangarap, ang magkaroon ng magic show sa TV. Actually, isa itong one-and-a-half hours TV special na mapapanood sa QTV 11 sa July 15, ang Steal Minds," sabi niya.

Matagal nang magic enthusiast si Bearwin. Katunayan ay mayroon siyang koleksiyon na more than 100 magic cards na karamihan ay imported.

Si Boy2 nga ay madalas daw niyang turuan noon ng magic tricks nang magkasama pa sila sa defunct gag-show na Project 11. Nagkaroon na rin dati ng show sa GMA-7 si Bearwin na nagpapakita ng kanyang galing sa magic, ang Naks with Benjie Paras and Eric Mana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN