Cristine Reyes on love-links tongue wagging--False


"Nakakawindang dahil kahapon, si Sid Lucero (right, in photo); ngayon naman si Dennis Trillo (left). Hay, sino naman kaya bukas?" says Cristine Reyes.


Ikinaloka at ikinagulat ng young actress at StarStruck Batch 1 Avenger na si Cristine Reyes ang tsismis na may relasyon sila ng young dramatic actor na si Sid Lucero.

Bago pa man mag-init nang husto ang isyu sa kanilang dalawa ni Dennis Trillo, nauna nang nagkaisyu sa kanila ni Sid.

Ka-text kahapon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cristine. Tinanong namin siya kung ano ang real score sa kanila ng guwapong anak ng beteranong aktor na si Mark Gil.

"Hindi po kami!" mariin niyang tanggi. "Seryoso po, wala po talagang anuman between us. Hindi ko alam kung bakit kami may issue. Ni hindi ko nga po nakakausap ever ‘yon.

Nilinaw ni Cristine na hindi raw sila textmates ni Sid, ni hindi nga raw nila alam ang cell phone number ng isa't isa.

Pero inamin ni Cristine na na-meet na niya nang personal si Sid.

"Nakatrabaho ko na po siya noon sa StarStruck Stage 1. After noon, nakita ko na lang siya ulit sa birthday party ni Dennis [Trillo], May of this year. Kasama pa nga yata niya that time ‘yong girlfriend niya. Kaya malabo po talaga na magkaroon ng something sa amin," paliwanag ni Cristine.

For the record daw, hindi sila close, hindi nanliligaw, at lalong hindi niya boyfriend si Sid.

Ano naman ang isyu sa kanila ni Dennis?

"Isa pa ‘yon! Naloka rin ako sa isyung ‘yan. Ni hindi nga po kami nag-uusap nun, e! Nakasama ko lang siya sa Super Twins. After nun, wala na po," sabi ni Cristine.

"Nakakawindang dahil kahapon, si Sid Lucero; ngayon naman si Dennis Trillo. Hay, sino naman kaya bukas?" tila nalilitong pahayag ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN