ABS-CBN's "Boy and Kris" to be pitted against GMA-7's "SIS"?


The competition for morning talk shows heats up as Boy Abunda and Kris Aquino's new show goes up against SIS of GMA-7.



Ilang beses nang naisulat na mawawala na ang morning talk show na SIS ng GMA-7, hosted by Janice de Belen, Carmina Villarroel, and Gelli de Belen, dahil mababa raw lagi ang ratings nito, na hindi naman totoo.

Aminado naman ang bumubuo ng SIS na may mga araw rin na mababa ang ratings nila, pero mas maraming araw na mataas. Pero hanggang ngayon ay patuloy pa ring napapanood ang SIS sa GMA-7.

Ngayon, lumutang na ang balitang mawawala na ang katapat nilang programa sa ABS-CBN, ang Homeboy, hosted by Boy Abunda. Papalitan na raw kasi ito ng Boy & Kris na iho-host ng magkaibigang Boy at Kris Aquino, at magsisimula sa July 2. Ito raw ang kapalit na show ni Kris sa The Buzz, na tuluyan na niyang iniwan kahit naisilang na niya si Baby James.

May nakausap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na connected sa production ng SIS tungkol sa paghahandang gagawin nila ngayong ang makakatapat naman nila ay sina Boy at Kris.

"Sa ngayon, wala pa naman kaming paghahandang ginagawa. Although aware na kami na may bago na naman kaming makakatapat," sabi ng aming source.

"Pero gusto lang naming sabihin na maituturing nang longest-running morning talk show ang SIS dahil nasa 6th year na ang show. Limang shows na ang nakatapat namin at pang-anim na ang Boy & Kris kung saka-sakali.

"Una na naming nakatapat ang Talk TV, Morning Girls, Mornings with Kris & Korina, M.R.S., at panglima ang Homeboy. Kaya naman labis-labis na ang pasasalamat namin sa lahat ng mga televiewers, lalo na ang mga nanay, na patuloy na sumusubaybay sa aming show.

"Titingnan muna namin kung ano ang concept ng show nila this time. Alam namin, bagong laban na naman ito, pero pagbubutihin na lang namin ulit. Kung may gusto ring ipabago ang management sa kasalukuyang concept ng show, susunod kami. So far, wala pa naman kaming naririnig mula sa management," mahabang pahayag ng aming source.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN