GMA-7 picks Alfred Vargas as torch bearer for Kapuso Olympics


Sexy actor Alfred Vargas gets the distinction of being the first torch bearer of the first Kapuso Olympics, in time for the celebratiion of GMA-7's 57th anniversary.


Masasabing ibang klaseng "raket" ang ginagawa ngayon ni Alfred Vargas para sa GMA-7. Halos lahat kasi ng shows ng GMA-7 ay isa-isang pinupuntahan ni Alfred para mag-taping bilang torch bearer.



Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Alfred na siya ang napili ng GMA-7 na maging torch bearer para sa kauna-unahang Kapuso Olympics sa June 30, kasabay ng celebration ng 57th anniversary ng Kapuso Network.



Timing naman daw dahil habang hindi pa nakasalang at nagte-taping para sa soap opera na Impostora, ang pag-iikot sa mga Kapuso shows muna ang pinagkakaabalahan ni Alfred ngayon.



"Iniikot ko lahat ng shows. Ngayon pa lang, sinisimulan ko nang ikutin ang lahat ng shows para makarating tayo sa Kapuso Olympics. Ang pangalan ko rito ay Makulay," kuwento ng sexy actor.



Unang pagkakataon pa lang daw na binanggit sa kanya ng manager niyang si Lolit Solis ang pagiging torch bearer ay hindi raw siya nagdalawang-isip man lang na tanggapin ito. Isang malaking karangalan daw para sa kanya ang maging kauna-unahang torch bearer ng GMA-7.



Ayon kay Alfred, "Ako talaga, noong sinasabi sa akin ni Nanay [Lolit], talagang ‘Oo ‘Nay, sige gagawin ko!' Kasi, sabi nga niya, magsa-sacrifice din ako ng schedule. Gusto ko kasi, ako ‘yong torch bearer. At ‘yong nire-represent ng torch bearer ay strength, unity, camaraderie, at saka excellence ng GMA throughout the 57 years. So ako, ang gusto ko lang, mapanindigan ko lang talaga siya."



Sa pagiging torch bearer niya, mas obvious na nga raw ang pagiging loyal niya as a Kapuso star.



"Oo naman!" pagsang-ayon ni Alfred. "Ever since naman na pumasok ako, talagang inalagaan na ko ni Ma'am Wilma [Galvante], Ma'am Lilybeth Rasonable, ng GMA talaga. Siyempre, loyal na loyal na tayo.



"Actually, nagulat ako noong malaman ko na ako ang in-assign na gawin ‘yan. Although, wala naman akong narinig na may iba pang pinagpilian. Pero noong sinabi sa akin ni Nanay Lolit, gusto ko na. Masaya rin siya kasi lahat ng shows, naiikot ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Very proud na ipinakita ni Alfred sa PEP ang outfit niya bilang torch bearer—kulay puting terno ng jacket at jogging pants na may nakalagay na Kapuso logo. Specially designed daw ni Eric Pineda ang costume.



Ayon kay Alfred, plano niya raw na after ng Kapuso Olympics ay hingin ang torch-bearer costume bilang souvenir.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN