Jewel Mische suspended from "SOP" for one month


StarStruck Batch 4 Ultimate Sweetheart Jewel Mische was given a one-month suspension from SOP. The young actress reportedly came in late for an opening number.


Isang mapagkakatiwalaang source ang nagbalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na suspended daw ang StarStruck 4 Ultimate Sweetheart na si Jewel Mische sa Sunday musical variety show ng GMA-7 na SOP.



Tinanong ng PEP ang source kung bakit na-suspend ang kakapanalo pa lang na si Jewel. Sinabi nito na dahil sa isang opening number sa SOP na dapat ay kasama si Jewel three Sundays ago kaya na-suspend ang young actress.



Balita raw kasi na two-piece ang costume na ipinapasuot kina Jewel at ang iba pa niyang kasama sa opening number. Knowing kung gaano kahigpit ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board), two-piece man ay meron pa rin kadalasan pang-ibabaw para hindi makuwestiyon ng MTRCB. Pero hindi raw type ni Jewel ang magsuot ng ganitong klase ng costume sa kanilang production number.

Kaya ang siste, late daw dumating si Jewel sa SOP that Sunday. Dahilan kung bakit hindi ito naisalang at nakasama sa opening number. Balita rin na siyempre pa, nagalit daw ang production people ng naturang show kay Jewel at inisip na sinadya nito ang pagpapa-late para hindi talaga siya maisalang.



Kung matatandaan, during StarStruck search pa lang ay may intriga na rin na kumalat tungkol kay Jewel. May kinalaman ito sa sinasabing pamimili nito ng damit na isusuot at ipinapasuot sa kanila. Dahil dito ay tinalakan siya ng StarStruck Council member na si Direk Louie Ignacio, na siya ring direktor ng SOP.



To be fair at para mas mabigyang linaw ang kuwento ng sinasabing suspension kay Jewel, sinubukang tawagan ng PEP ang handler ni Jewel sa GMA Artist Center na si Lovely Tan.



Hindi naman itinanggi ni Lovely na may suspension nga ang alaga sa SOP. Ayon sa kanya, "Na-suspend po siya sa show dahil medyo meron pong nagawang mali. One-month suspension lang naman po at nakaka-two Sundays na po siya. Two more Sundays na lang po at babalik na rin po siya sa SOP."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Tinanong din ng PEP si Lovely kung totoo bang may pagka-pasaway na attitude ang bagong winner ng StarStruck Batch 4.



"Hindi naman po siya pasaway," pagtatanggol ng handler. "Ang nangyari po kasi sa SOP, na-late po siya ng dating para sa opening number nila. Nagpaayos pa po kasi siya. Nang dumating po siya, hindi na siya umabot sa production number."



Idinepensa rin nito na hindi raw totoong dahil sa costume kaya nagpa-late si Jewel. Totoo raw na hindi kumportable ang young actress sa ipinapasuot na costume at nagawan naman daw agad ‘yon ng paraaan at pinayagan siya na mag-one-piece na lang.



Nilinaw rin ni Lovely na ang suspension kay Jewel ay sa SOP lang at hindi sa lahat ng shows ng Kapuso Network. Pero when PEP asked Lovely kung ano pa ang kasalukuyang ginagawa ni Jewel ngayon, sinabi nitong wino-workout pa ng Artist Center kung ano ang follow-up projects ni Jewel after Magic Kamison.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN