Is Mark Bautista the cause of Rufa Mae Quinto-Erik Santos break-up?


In one of his previous interviews, singer Mark Bautista revealed that he had a short-lived romance with a Kapuso star. Although he did not reveal the name, showbiz insiders believe that the woman is none other than Rufa Mae Quinto.


Nabuking diumano ng isang pakialamerong segment host ng isang celebrity talk show ang singer na si Mark Bautista. Tuluy-tuloy pa rin daw ang communication nila ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto.



Sa isang segment kasi ng talk show ay pinasok nila ang kuwarto ni Mark nang hindi niya nalalaman. Ire-raid ang kuwarto nito at ipapakita ang mga kakaibang bagay na nasa loob ng kanyang bedroom.



Naiwan ni Mark ang isang cell phone niya roon at pinakialaman naman ito ng segment host. Sa inbox daw ng cell phone ni Mark ay puro pangalan na "Peachy" ang laman.



Naging curious tuloy ang pakialamerong segment host kung sino ang Peachy na ito kaya idinayal niya ang number nito. Sino ang sumagot sa kabilang linya? Walang iba kundi si Rufa Mae Quinto!



Kailan lang yata ay nabasa namin na matagal na raw hindi nakakausap ni Mark si Rufa Mae. Pero inamin naman ng singer na naging close sila noong mag-guest siya sa concert ni Rufa Mae last year.



Si Rufa Mae ang nababalitang naging girlfriend ni Mark na taga-GMA-7, pero saglit lang daw ang itinagal ng kanilang relasyon. Nag-deny si Mark na si Rufa Mae ang tinutukoy niya, at nag-worry pa na baka magalit daw sa kanya ang boyfriend ng sexy comedienne na si Erik Santos.



Pero dahil sa nagawang pagbuking ng pakialamerong celebrity talk show, makakapag-deny pa kaya si Mark sa naging nakaraan nila ni Rufa Mae?



Ito kaya ang dahilan kung bakit bigla raw nanlamig si Erik kay Rufa Mae? Si Mark kaya ang magiging dahilan kung bakit tuluyang maghihiwalay na sina Rufa Mae at Erik?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN