Mark Herras dispels hearsay that he is hooked on drugs


"Siguro maging curious man ako kung pariwara ang buhay ko. Pero bakit ko naman sasayangin ang chance ko ngayong nasa showbiz ako? Masaya naman ang buhay ko ngayon kaya bakit ko susubukan ang mga ganoong bagay?" says Mark Herras about rumors that he is using illegal drugs.


Nakausap ng (PEP) Philippine Entertainment Portal ang young actor na si Mark Herras sa mismong taping ng kanyang show sa GMA-7 na Fantastic Man. Habang kasalukuyan siyang ng kanyang costume as Fantastic Man, sinagot ni Mark ang tanong ng PEP tungkol sa mga isyung inuugnay sa kanya ngayon.



Isa si Mark sa mga talents ng Kapuso Network ang masasabing hindi rin tinatantanan ng mga intriga. Although kadalasan ay may kaugnayan sa iba't ibang girls na inili-link sa kanya, this time ay may isyung may kinalaman naman sa drugs ang gustong ikabit sa pangalan ng young actor.



Ayon kay Mark, hindi naman daw siya naaapektuhan sa isyung gumagamit siya ng drugs.



"Naisyu kasing nagda-drugs daw ako sa 168, ‘yong Internet shop," sabi ng young actor. "Unang-una, iisipin mo na lang, paano ka naman magda-drugs doon, e, public place ‘yong lugar? At saka, papayag ba naman ‘yong may-ari ng shop na may gawin ‘yong mga customer nila na ganoong bagay sa shop?



"Pangalawa, palagi ko pang nakakasabay sa Internet shop si Kuya Dinno Erece [PEP contributor], e, di sana, nakita na niya? At saka, sabi ko nga kay Nanay [Lolit Solis, his manager], kung nagda-drugs ako, e, di sana tuyot ako. Hindi ako tuyot, payat lang ako. So, wala, tinatawanan ko na lang ‘yang isyu na ‘yan."



Masaya rin daw si Mark na iba na ang mga mambabasa ngayon at mga showbiz observers. Mas matatalino na raw kasi ang mga ito na kung nagsisinungaling ka man, alam pa rin ng mga tao kung ano ang totoo.



"Suwerte na lang ako na ang mga Pinoy ngayon, hindi sila basta-basta naniniwala sa mga naririnig or nababasa nila. Mas nalalaman na nila kung ano ang totoo. Parang sa mga loveteam din ngayon, as compared sa mga loveteam noon na kadalasan sa mga babae sila mas suma-side, or kapag may bagong ka-loveteam, hindi sila pumapayag at sasabihing hindi na bagay. Ngayon, iba na, mas open na sila," ani Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Alam ni Mark na marami sa mga kabataan ngayon ang mahina ang depensa at hindi napaglalabanan ang kuryosidad sa droga. Pero sa part niya raw, confident niyang masasabi na never pa niya itong na-try or planong subukan man lang.



"Siguro maging curious man ako kung pariwara ang buhay ko," sabi ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor. "Pero bakit ko naman sasayangin ang chance ko ngayong nasa showbiz ako? Masaya naman ang buhay ko ngayon kaya bakit ko susubukan ang mga ganoong bagay?



"Besides, number one addict lang ako sa mga online games. Sa DotA (Defense of the Ancients)!" natatawang pahabol niya.



Dahil dito, tinanong ng PEP si Mark kung bakit hindi na lang siya sa bahay maglaro kaysa pumunta pa sa Internet shop at maiwasan na rin ang natsitsismis siya ng kung ano-ano.



"Meron ako sa bahay, pero iba ‘yong marami kang kalaro. Iba kasi ‘yong feeling kapag may mga kalaro ka. Minsan, nakakasama ko sina Rainier Castillo, Gian Carlos. May mga nakakabarkada rin kami doon na non-showbiz, na doon na rin namin nakilala at nakakasama. So mas masaya kesa ‘yong ikaw lang mag-isa ang naglalaro," paliwanag niya bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN