Roxanne Guinoo stars in Kapamilya soap with the men in her life


If plans push through, Roxanne Guinoo (middle) will star opposite her ex-boyfriend Joross Gamboa (right) and rumored present boyfriend Jake Cuenca (left) in a TV project.


Mukhang hindi na nga mapipigil ang pagdami ng pagkakaroon ng remakes ng mga lumang Tagalog films sa telebisyon. Both ABS-CBN and GMA-7 are doing the same thing. Mapa-afternoon drama or primetime soap, pawang may mga sineserye na ipinapalabas ang dalawang giant networks.



The latest we heard, ang isa raw sa pinakabago na planong i-remake ng Kapamilya Network ay ang Seiko Film movie na Natutulog Ba ang Diyos?, na hango sa kantang sinulat at inawit ni Gary Valenciano.



Balita ng PEP (Philippine Entertainment Portal), ang magsisiganap diumano sa remake ng Natutulog Ba ang Diyos? sa telebisyon ay ang ibini-buildup na bagong loveteam nina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo. Gagampanan nila ang mga roles noon nina Ricky Davao at Lorna Tolentino.

Samantala, ang ex-boyfriend at dating ka-loveteam ni Roxanne na si Joross Gamboa naman daw ang gaganap sa dating role ni Gary.



So far, wala pang kumpirmasyon kung tuloy na tuloy na ba ang pagsasama ng tatlo sa Natutulog Ba ang Diyos? dahil hindi pa raw nagkakakaroon ng story conference para sa naturang proyekto. Pero ayon sa isang PEP source, kung walang magiging aberya, malamang daw na end of June ay simulan na ang pagte-taping ng naturang project.

Magandang abangan ay kung paano ang magiging working relationship nina Roxanne, Jake, at Joross sa isa't isa. Hindi kaya mailang si Roxanne knowing na makakatrabaho niya ang ex-boyfriend (Joross) at ang rumored current boyfriend (Jake) niya?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN