Alessandra de Rossi willing to pose nude--but not for FHM


"Puwede nga akong maghubad sa Cosmopolitan Magazine kung kinakailangan, pero ayaw ko sa magazine na panlalaki. Kahit hubad na hubad pa, pero basta pambabaeng magazine," says Alessandra de Rossi.



Hindi nai-insecure ang young actress na si Alessandra de Rossi sa ibang aktres na biniyayaan ng malalaking dibdib. Payag din daw siyang mag-pose nang nude sa isang magazine kung kinakailangan, basta hindi panlalaking babasahin ito.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Alessandra sa taping ng Magpakailanman last Friday sa Sta. Mesa, Manila, sinabi ng morenang aktres na as early as three years ago ay may offer na siya para sa FHM.

"Hindi naman ako nai-insecure sa mga gifted. Lahat nga ng mga kapatid ko ay malaki ang dibdib, ako lang ang wala; lahat maputi, ako lang ang maitim. Pero ako naman ang pinakamaganda at pinakamatalino," nakangiting sabi ng nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi.

"Tungkol sa FHM, matagal na akong in-offer-an, three years ago pa, pero ayoko e. Ewan ko why, wala lang. Gusto ko sa pambabaeng magazine na lang, ayoko ng panlalaki. Hindi ko lang gusto na ano, e...

"I mean, puwede nga akong maghubad sa Cosmopolitan Magazine kung kinakailangan, pero ayaw ko sa magazine na panlalaki. Kahit hubad na hubad pa, pero basta pambabaeng magazine. Kahit na anong gusto nilang ipakita ko, bahala na sila, uso naman ang Photoshop ngayon e," nakatawang paliwanag ni Alex.

Ayon pa kay Alex, itinuturing niya sina Angel Locsin at Ehra Madrigal sa mga young stars na may magandang katawan.

"Sa mga crop ng young actresses, si Angel Locsin ang sexy para sa akin. Sexy talaga siya, total package siya—maganda at wala ka nang babaguhin. Sa pagkakaalam ko, walang retoke si Angel. Tapos, okay din si Ehra, sexy din ang babaeng ito. Wala rin siyang retoke, di ba? Silang magkapatid, si Michelle [Madrigal], sexy pareho," opinyon ni Alex.

Dahil sinabi rin ni Alex na ang dream role niya'y maging sirena, na kadalasan ay sexy at boobsie, okay lang ba sa kanyang magpa-breast enhancement?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi okay ‘yon sa akin," sagot niya. "Puwede namang lagyan ng kabibe, tapos ay kaunting padding, tapos mahaba ang buhok. Gusto ko kasing sirena ay ‘yong wholesome.

"Hindi sumasagi sa isip ko na magparetoke. Happy na ako rito dahil ito ang ibinigay ni Lord. Ayoko namang mahalin ako dahil lang sa enhancement ko. Parang wala ring katuturan ‘yon, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN