Dingdong Dantes is just waiting for "Marimar" leading lady


Actor-director Dingdong Dantes is almost sure of playing the role of Sergio in the remake of the Mexican telenovela Marimar. The title-role is still up for grabs as GMA-7 conducts an audition to find Dingdong's leading lady.



Habang hinahanap pa ng GMA-7 ang gaganap na Marimar sa remake ng nasabing Mexican telenovela , pagkatapos diumanong tanggihan ni Angel Locsin ang naturang role, tila kumpirmado na ang pagganap ni Dingdong Dantes bilang Sergio Santibañez.

Matatandaang ang Mexican singer-actress na si Thalia ang gumanap bilang Marimar samantalang si Eduardo Capetillo naman ang gumanap na Sergio sa nasabing Mexican telenovela.

Ang Marimar actually ay remake din ng isa pang Mexican telenovela noong 1977 na pinamagatang La Venganza. Nang ipalabas ang Marimar sa Pilipinas noong mid-‘90s ay naging paborito ito ng maraming Pilipino, dahilan upang sumikat nang husto rito si Thalia.

Samantala, isang source ang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal)—na konektado sa produksiyon—kung totoo ngang hindi na si Angel ang gaganap bilang Marimar. Matatandaang si Angel din ang original choice na gumanap bilang Darna, pero nagpa-audition pa rin sa ibang young actresses ngunit sa bandang huli ay si Angel pa rin ang gumanap sa much-coveted role.

Ayon sa source ng PEP, totoo raw talaga na hindi na si Angel ang gaganap na Marimar at kasalukuyan pang pinapa-audition kung sino ang pupuwedeng gumanap sa naturang role. Pero ayon sa aming source, basta't walang aberyang mangyari ay sigurado na raw na si Dingdong ang leading man.



Bukod sa Marimar, napag-alaman din ng PEP na makakasama rin si Dingdong sa pelikulang Resiklo, isa sa official entries sa 2007 Metro Manila Film Festival na pagbibidahan ni Bong Revilla. Tinanggap na raw ni Dingdong ang offer ng Imus Productions dahil halos magkapantay raw ang role nila ni Bong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN