Maui Taylor laughs off alleged liaison with Marc Leviste


"Nakakatawa naman talaga lalo na kung alam mo for yourself na wala namang ganoon na nag-take place," says Maui Taylor.


"Ayaw lang siguro nilang paupuin si Leviste kaya ganyan. Hahaha!" komento ni Maui Taylor sa pagkakadawit ng pangalan niya sa mga babaeng naka-affair diumano ng bagong halal na vice governor ng Batangas na si Marc Leviste.

Pinabasa kahapon ng TV Patrol World, ang primetime newscast ng ABS-CBN, kay Maui ang affidavit of complaint ng dating driver-bodyguard ni Marc na si Edward Ronquillo na isinumite nito sa Office of the Ombudsman last Tuesday morning, June 12.

Sinabi ni Maui sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang extensive text interview about the issue, na tawa raw siya nang tawa nang nabasa niya ang affidavit. Hindi kasi nadetalye kay Maui ang mga isinalaysay ni Edward during the impromptu interview na ginawa rin last Tuesday sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato.

Nabanggit lang ang pangalan ni Maui sa four-page affidavit, pati na rin si Diana Zubiri, pero hindi ito katulad ng pagkakadetalye sa diumano'y relasyon ni Marc sa asawa ni Anjo Yllana na si Jackie Yllana. Nagkuwento lang si Edward ng detalye ng pagkikita raw nina Maui at Marc last year.

Sabi ni Edward, May of 2006 daw ay sinundo niya si Maui sa Landmark department store sa Makati at dinala kay Marc at nagtungo sila sa isang hotel. Naulit diumano ito ng April of the same year at sa Hard Rock naman siya sinundo. The third time, nakita raw ni Edward na nag-aaway sina Maui at Marc and that the was last time na nasundo niya ang Viva Hot Babe.

"Baka naman nag-iilusyon ang driver niya at napagkamalang ako ‘yong sinundo niya? Hindi ako pumupunta sa Landmark at Hard Rock. At kung 2006, di ako naglalalabas dahil over Brian [Revilla] pa ako noon, and I was in Boracay. Kaya paano talaga mangyayari ‘yong sinasabi niya?" sabi ni Maui.

Nabanggit din namin kay Maui ang insinuation ng former driver-bodyguard ni Marc na ang pulitiko raw ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ng kanyang boyfriend noon na si Brian Revilla, anak ng actor-Senator na si Bong Revilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The reason kung bakit kami naghiwalay ni Brian is because of a girl, third party on his side, not because of a politician," paglilinaw niya.

Patuloy niya, "Marc Leviste I met during the presidential campaign because I campaigned for Marc twice or thrice. He would text me from time to time, but wala namang nangyari na nagkita kami sa Manila or pumunta ako sa Batangas to see Marc kagaya ng kini-claim ng driver niya.

"Last ko nakausap si Marc was during the presidential campaign pa [2003] when I campaigned for him [for Board Member of Batangas], that's about it. His exact text after was ‘Salamat at pinasaya mo ang mga tao dito sa Batangas.'

"This campaign season, I never campaigned for Marc kaya paano mangyayari ‘yon? At alam ng lahat I was on a trip to four Asian countries."

Nang nasabi na namin sa kanya ang lahat ng mga ikinuwento ni Edward, tinanong ulit namin siya kung amused pa rin ba siya.



"Nakakatawa naman talaga lalo na kung alam mo for yourself na wala namang ganoon na nag-take place. But a consultation will be done. Puwede ko siya [Ronquillo] sue for damages. No plans as of now but I will talk to Atty. Flaminiano [husband of Mommy Rose Flaminiano of FLT Films] about this matter," pahayag ni Maui.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN