Diana Zubiri and Anjo Yllana ignore charges by Marc Leviste's former driver-bodyguard


Diana Zubiri (left) and Anjo Yllana (right), husband of Jackie Yllana, both choose to remain silent about the allegation of Marc Leviste's former driver-bodyguard that the politician had sexual affairs with Diana and Anjo's wife.


Kaugnay pa rin ng akusasyon ng dating driver-bodyguard ni Batangas Vice Governor-elect Marc Leviste na si Edward Ronquillo na nagkaroon diumano ng sexual relationship ang batang pulitiko kina Jackie Yllana, Diana Zubiri, at Maui Taylor, sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksiyon ng mga babaeng binanggit ni Ronquillo sa kanyang affidavit.

Ayon kay Douglas Quijano, na manager ng asawa ni Jackie na si Anjo Yllana, nang tanungin niya ang dating vice mayor ng ParaƱaque tungkol dito ay ayaw raw nitong patulan ang isyu.

Si Maui naman, sa hiwalay na interview ay idinenay rin na nagkaroon sila ng sexual relationship ni Marc. Although inamin ng sexy actress na ilang beses na silang nagkita ni Marc dahil ikinampanya ito noong tumakbo itong Board Member sa Batangas during the 2003 elections.

Ayaw ring patulan ng kampo ni Diana ang naturang isyu.

Ayon kay Marc, sa panayam ng PEP sa kanya kaninang hapon, ay tumawag daw mismo sa kanya ang manager ni Diana na si Jojo Gabinete at sinabi nitong hindi sila naniniwala sa mga paratang ni Ronquillo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN