Marjorie Barretto files petition for annulment of marriage


Caloocan City councilor and former actress Marjorie Barretto reportedly filed a petition for annulment of her marriage with husband Dennis Padilla yesterday, June 12.


Nagdesisyon na ang aktres at Caloocan City councilor-elect na si Marjorie Barretto na tapusin na ang kanyang 14-year marriage sa komedyante at dating konsehal na si Dennis Padilla o Dennis Esteban D. Baldivia.

Ayon sa ulat ng GMANews.TV, pormal na nag-file ng annulment ng kasal ang aktres kasama ang kanyang abogado na si Ellen D. Veza kahapon, June 12, sa Quezon City Regional Trial Court.

Hindi diumano nagbigay ng kopya ng petisyon ang personnel ng Office of the Clerk of Court dahil sa confidentiality ng mga nilalaman ng kaso.

Samantala, kinumpirma naman ni Veza, sa pamamagitan ng text message sa GMANews.TV, na kliyente niya si Marjorie. Pero hindi siya nagbigay ng karagdagang impormasyon ukol sa kaso hangga't walang pahintulot mula sa aktres.

Paliwanag ni Veza, "I'm trying to reach my client but she's not picking up. I hope you understand, I can't say anything without her permission."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN