Rufa Mae Quinto depressed over her birthday "surprises"


"Hay, ayoko na nga mag-birthday! Puno na lang ng intriga. Sabihin mo nga birthday ko naman ito, ibalato na lang nila sa akin lahat ‘yan!" jokes Rufa Mae Quinto.


Malungkot si Rufa Mae Quinto nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaninang hapon, June 13. Kahit pinipilit na magpatawa, lumalabas pa rin ang ilang reklamo ng sexy comedienne sa usapan.

"Nakaka-sad, di ba? Noong nakaraang birthday ko [last year] may concert ako at nagka-boyfriend pa. Pero ngayon puro intriga yata," litanya ni Rufa Mae, who turned 29 last May 28.

Isa-isa kasing naglabasan ang mga kontrobersiya na kinasangkutan ni Rufa Mae sa birthday niya ngayong taon.

MTRCB. Noong nakaraang linggo, naintriga ang sexy comedienne sa show niya na HP Ibang Level Na! dahil nakapagmura raw siya nang hagisan siya ng ipis sa isang segment ng show. Sa takot niya raw sa insekto, nakapagbitiw siya ng hindi magandang salita.

"Hinagisan ako pumasok dito, e, [sa dibdib]. Ipis ‘yon kaya ginanun-ganun ko [pinagpag], siyempre naman. Ba't ikaw di mo gagawin ‘yon? Ipis ‘yon, e,!" kuwento ni Rufa Mae.

Makalipas naman ang ilang araw, isang intriga rin ang ibinato sa kanya nang masira ang kanyang damit sa isang sexy dance number niya sa SOP noong June 3. Birthday presentation pa naman niya ito.

Pinaalalahanan daw siya ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) para sa dalawang shows niya sa GMA-7—HP Ibang Level Na! at SOP. Nag-sorry naman daw agad si Rufa Mae sa MTRCB.

"Wasiwas dance ‘yon at nasira ‘yong damit ko, that's what happened. Hindi ko naman kontrolado ‘yong nangyari, pero nag-apologize ako. I said sorry [sa MTRCB], siyempre dapat watch out na rin."

MARK HERRAS. Kasama rin sa mga intriga ang nangyari naman sa isa pang show niya sa Kapuso Network, ang Bubble Gang. Dito ay ibinuking ng ilang kasama niya sa gag show na nag-kiss daw sila ng co-star niya na si Mark Herras sa backstage ng studio.

Hindi idinenay ni Rufa Mae na may nangyari ngang ganito, pero mariin ang kanyang pagtanggi na dahil daw sa isang dare kaya nila ito ginawa ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron ngang naganap na ganoon," pag-amin niya. "Nagkaroon kasi ng usapan tungkol sa cinematic kisses. Tapos pumunta sa ganoon, i-demo daw ‘yong cinematic kiss. Pero hindi sa dare 'yon. Ang tanda ko na para sa mga dare na ganyan. At saka kahit naman may mga dare na ganoon, di ko naman gagawin 'yon—sa loob pa ng studio ‘yon at marami kaming kasama."

Dagdag pa ni Rufa Mae, hindi naman daw torrid at halos hindi nga dumampi ang labi nila ni Mark sa isa't isa.

GRETCHEN & JOHN. Tungkol pa rin sa aktong halikan ang sumunod na intriga kay Rufa Mae. Di ba nga, noong surprise birthday party niya noong May 27 na in-organize ng boyfriend niyang si Erik Santos lumabas ang controversial cell phone photo na nagpapakitang magkalapat ang labi ng guests niyang sina John Estrada at Gretchen Barretto?

"Hay, ayoko na nga mag-birthday! Puno na lang ng intriga. Sabihin mo nga birthday ko naman ito, ibalato na lang nila sa akin lahat ‘yan!" pagpapatawa ni Rufa Mae.

Tikom ang bibig ni Rufa Mae tungkol sa kontrobersiyal na mga larawan nina Gretchen at John. Wala raw kasi siya nang kunan ang naturang mga litrato.

ERIK SANTOS. Ngayon naman ay naiintriga si Rufa Mae na on the verge of break-up na raw ang relasyon nila ni Erik.

Ayon sa tsismis, may pinagseselosan daw kasi ang boyfriend ni Rufa Mae. Balita pang umiyak ang singer dahil sa sama ng loob.

Ayaw namang magkomento ni Rufa Mae sa isyu at si Erik naman, hindi ma-contact para makunan sana ng pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN