Joseph Bitangcol: From Kapamilya to Kapuso?


"Pero kung mapapabuti naman po sa akin ang paglipat, why not po, di ba? Tsaka ‘yon nga, para naman may mangyari," says Joseph Bitangcol about talks that he is planning to boot out from ABS-CBN's Star Magic.


Magtatapos na ang kontrata ng young actor na si Joseph Bitangcol at ang girlfriend nitong si Sandara Park sa Setyembre bilang Star Magic talents. Pero ngayon pa lang ay nakikipag-usap na raw ang ina ni Joseph na si Mommy Lydia sa Star Magic regarding sa nalalapit na pagtatapos ng kontrata niya sa talent arm ng ABS-CBN, headed by Mr. Johnny Manahan.



Nagpapa-release na ba si Joseph sa kuwadra ni Mr. M?



"Hindi, hindi po," mabilis na tanggi ni Joseph sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Parang kinakausap pa lang. Parang may inquiry rin sa kabila [channel]. Hindi naman totally sa kabila. Pero parang may mga taong tutulong or show, mga ganun. Parang kinausap ni Mommy."



Ano ang isinagot sa kanila ng Star Magic?



"E, parang huwag daw muna.E, ako, ano naman po dito [sa Star Magic] pa rin. Siguro may plano pa rin naman sila sa akin. Pero kung mapapabuti naman po sa akin ang paglipat, why not po, di ba? Tsaka ‘yon nga, para naman may mangyari. At hindi ‘yong masyadong tumatagal," paliwanag ng young actor na produkto ng first batch ng Star Circle Quest.

Ayon kay Joseph, last year pa raw ang huling regular show niya sa ABS-CBN—ang teleserye nina Toni Gonzaga at Luis Manzano na Crazy For You. Pagkatapos daw nito ay guesting-guesting na lang siya.

Isasama ba niya si Sandara kapag lumipat siya ng ibang Network?

"Depende po. Management's decision pa rin. Kung ano po ‘yong plano nila," sagot ni Joseph.

Dalawa ba sila ni Sandara na "nilalakad" sa usapan ng tumutulong sa kanya para sa kabilang network?

"Ay, hindi po actually. Ako lang," tanggi niya.

Kumusta na sila ni Sandara? Sila pa rin ba?

"Kami pa rin po. Okay pa rin kami. Tuluy-tuloy pa rin po."

Bakit may tsismis na break na sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyon nga, e. Kasi before, nag-cool off kami. Tapos ang tagal naming di nakikita sa ABS-CBN na magkasama," paliwanag ng binata.

Ilang months silang nag-cool-off?

"Hindi naman umabot ng months," aniya. "Weeks lang po siguro. Nagkaayos naman agad. Kami pa rin."

Napag-uusapan ba nila ang pagkakahuli at pagkakakulong ng ama ni Sandara dahil sa kasong estafa?

"Tinatanong ko po siya, wala raw po talaga siyang masabi. Hindi raw niya alam ‘yong saktong istorya kung napiyansa or kung nakalabas na ‘yong Papa niya. Ayaw lang niyang pag-usapan lagi," sabi ni Joseph.



Dinalaw na ba ni Sandara ang nakakulong niyang ama?



"Hindi po niya talaga dinalaw. Wala lang."



Samantala, may isyu rin kay Joseph na may gay benefactor siya. Above-average pa rin daw kasi ang lifestyle ni Joseph kahit wala siyang regular show sa ABS-CBN. Pati damit niya ay napapansin na pawang signature clothes.



"Bading-bading? Oo nga po, e. Tagal na nga pong isyu ‘yon, e. Parang dati pa may lumalabas na. Hindi naman po ako nao-offend. Noong una nagulat ako, parang saan na naman galing ‘yan? O, sige lang, parang ganun. Cool lang po ako. Pero gusto kong sapukin kung sinuman po ‘yong nagkalat ng tsismis na ‘yan.

"Branded? Greenhills nga lang po ‘yan, e!" tawa niya, sabay-turo sa kanyang suot habang kausap namin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN