Paulo Avelino still unsure about his feelings for Jewel Mische


"Kasi ang hirap sa amin ni Jewel, hindi talaga kami nagkakaroon ng chance na mag-usap na kaming dalawa lang. Tsaka ‘yong work nasa gitna namin, busy siya at busy rin ako,"says Paulo Avelino about chances for a relationship with Jewel Mische.


Hanggang ngayon ay hindi pa raw sigurado ang StarStruck 4 Avenger na si Paulo Avelino sa feelings niya para sa Starstruck 4 Ultimate Sweetheart na si Jewel Mische.



Sa naging panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Paulo, hanggang pa-text-text na lang daw muna sila ni Jewel. Hindi nga raw sila masyadong nagkakausap kahit na magkasama pa sila sa "Black Jewel In The Palace" episode ng Magic Kamison.



"Nagkakasama lang naman kami kapag may mga eksena kami sa Magic Kamison," sabi ni Paulo. "After ng mga scenes namin, hindi na kami nagkakakuwentuhan kasi mas maraming kinukunang scenes si Jewel. Tapos na ako pero tuluy-tuloy ang taping ni Jewel. Kaya minsan, umaalis na lang ako na hindi na ako nakakapagpaalam sa kanya."



Ano na nga ba ang status nilang dalawa? Seryoso pa ba niyang liligawan si Jewel tulad ng mga binitawan niyang salita noon?



"I don't know... Kasi ang hirap sa amin ni Jewel, hindi talaga kami nagkakaroon ng chance na mag-usap na kaming dalawa lang. Tsaka ‘yong work nasa gitna namin, busy siya at busy rin ako. Kahit sa SOP ay hindi rin kami nagkakausap kasi may kanya-kanya kaming mga production numbers.



"Maybe one day magkakaroon kami ng time na mag-usap and sort things out. Gusto ko siyang pormal na ligawan. Iyon din naman ang gusto ni Jewel. Kapag hindi na kami pareho busy, we can take the time to rediscover each other," pahayag ni Paulo.



Pagkatapos ng Magic Kamison ay wala pang kapalit na show para kina Jewel at Paulo. Hindi sila kasama sa cast ng The Boys Next Door, kahit pa nga karamihan ng mga nandito ay mga ka-batch nila sa StarStruck na sina Mart Escudero, Aljur Abrenica, Stef Prescott, Jesi Corcuera, Kiko Junio, Jan Manual, at Rich Asuncion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN