Dennis Trillo to stage big concert in October


Matinee idol Dennis Trillo is scheduled to hold a major conecrt in a big venue sometime in October.



Kung dati-rati ay halos sunud-sunod ang mga shows ni Dennis Trillo sa iba't ibang comedy bars—particularly sa Zirkoh—mapapansin na lately ay wala na halos ginagawang shows si Dennis sa mga naturang lugar.



Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa manager ni Dennis na si Popoy Caritativo na hindi na muna sila tumatanggap ng anumang raket or offers na shows for any comedy bar.



Huling pagkakataon nga raw na nakapag-show pa si Dennis sa Zirkoh ay around April this year at ‘yon ay may kaugnayan pa sa kanyang album launching. But since then, hindi na raw sila tumanggap ng iba pang shows.



Tila ideya rin ni Regine Velasquez, producer ng album ni Dennis sa indiMusic ang hindi na muna pagtanggap ni Dennis ng mga shows sa comedy bars.



Ayon kay Popoy, may pinaplano na isang malaking concert for Dennis sometime in October sa isang malaking venue. Although it's something big, hindi pa naman daw as big as Araneta Coliseum dahil alam naman nila na hindi pa makakayanan ni Dennis ang gano'ng kalaking venue.



Dagdag pa ni Popoy, malapit na ring simulan ang taping ng Sine Serye na gagawin ni Dennis sa GMA-7, ang Kung Mahawi Man ang Ulap. Magsu-shoot na rin si Dennis ng bagong movie niya sa Regal Entertainment, ang Kulam, kung saan makakasama niya for the second time si Judy Ann Santos. Unang nagkasama sina Dennis at Juday sa Aishite Imasu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN