Bea Alonzo-John Lloyd Cruz loveteam still going strong


Despite having their own romantic relationships outside their loveteam, the tandem of Bea Alonzo and John Lloyd Cruz remains a hit for the masses.


Maaaring sabihin na tumaas na talaga ang antas ng pag-iisip at marami ang wala nang fan mentality sa mga manonood natin ngayon. Patunay nito ay ang mainit na pagtanggap ng publiko sa tambalang John Lloyd Cruz-Bea Alonzo sa kabila ng katotohanang hindi naman talaga sila sa tunay na buhay.



Bukas naman kasi sa publiko na may kanya-kanyang lovelife sina Bea at John Lloyd. Mag-iisang taon na ang relasyon ni John Lloyd at ng non-showbiz girlfriend niyang si Liz Uy, samantalang si Bea naman ay very open na rin sa relasyon nila ng boyfriend niyang si Mico Palanca.

Sa panayam nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Bea last Sunday, June 10, ay ikinuwento ng young actress kung gaano siya kasaya sa piling ni Mico.



"Happy ako, sobrang happy!" sabi ni Bea. "He makes me happy, sobrang special siya sa buhay ko. Feeling ko, siya ‘yong pinakaimportante sa lahat ng kategorya ng guys, aside from my brother, sa ngayon. Napaka-pasensiyoso niya, mabait... I can't say anything more."

Ayon pa kay Bea, maganda rin daw ang pakikitungo sa kanya ng pamilya ni Mico.

"Na-meet ko na ang buong family ni Mico. Sobrang love ko ang family niya, ang sarap nilang kakuwentuhan. Every time na nandun sila, nagba-bonding kami. Ang sarap nilang kasama. Napakatotoong mga tao, napaka-warm," papuri ni Bea sa pamilya Palanca.

Sa ilang pictorials ay na-meet at nakausap na rin pala ni Bea ang girlfriend ni John Lloyd na si Liz, na associate fashion editor ng Preview magazine. According to Bea, Liz is very nice and she's flattered that she is a John Lloyd-Bea fan.



"Ilang beses na kami nagkikita," sabi ni Bea tungkol kay Liz. "Sobrang nice niya and I could say na sobrang bait ni Liz. I don't know her that much pero sa nakikita ko, sobrang polite niya.



"From John Lloyd, nalaman ko na nire-record pa niya ‘yong Maging Sino Ka Man episodes. Sabi nga ni Liz sa akin noong magkita kami, sobrang fan daw siya ng Maging Sino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Love makes her very supportive of Lloydie. Happy ako that Lloydie is really happy," nakangiting pahayag ng young actress.

Samantala, tinanong namin si Bea kung totoong huling tambalan na nila ni John Lloyd ang Maging Sino Ka Man, gaya ng nababalita. Patunay raw nito ay isang pelikula ang gagawin ni Bea with Sam Milby and Kristine Hermosa sa Star Cinema.

Ayon kay Bea, "Matagal na sinasabi na bubuwagin ‘yong loveteam namin ni Lloydie, kahit noong Ikaw Ang Lahat Sa Akin days pa. Pero dahil may mga supporters pa, di pa nila kami mapaghiwalay at this moment.



"Personally, malulungkot ako kung mawawala nga kasi mag-a-adjust uli ako for another loveteam. But we also need to grow as individual actor and actress. Kailangan din naming maghiwalay, na maganda din naman for both of us. Kasi mahirap ‘yong parang napagsawaan na o parang wala na kaming puwedeng gawin, kasi lagi na lang kami ang magkasama."



"Sa July na ‘yong start ng movie namin nina Sam and Kristine. Ako, I trust the management. Alam nila kung ano ang makakabuti sa amin," pagtatapos ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN