Angel Locsin on Marvin Agustin: "Yes, we go out."


"Sa ngayon, ang masasabi ko lang, magkaibigan pa lang kami. Hindi ko pa rin alam o masasabi kung nanliligaw na nga ba siyang talaga," says Angel Locsin about Marvin Agustin.



Kumulog at kumidlat nang malakas sa labas ng Grand Terrace party venue habang nagaganap ang press con ng Angels, kaninang hapon, June 14. Angel ang unang pelikulang produced by actress Angel Locsin para sa kanyang Eagle Eye Productions.



Ang tanong kay Angel ng mga TV crew nang eksaktong kumulog at kumidlat ng pagkalakas-lakas ay kung posible ba niyang mahalin ang aktor na si Marvin Agustin, na inili-link sa kanya sa ngayon.



"Kung siya ba talaga ang para sa akin, hindi naman natin mapipigilan 'yon," sagot niya. "Kung kami talaga ang para sa isa't isa, di ba? Akala ko nga noong una, binibiro-biro lang ako ng mga tao sa mga tanong nila sa akin about Marvin.



"Sa ngayon," patuloy niya, "ang masasabi ko lang, magkaibigan pa lang kami. Hindi ko pa rin alam o masasabi kung nanliligaw na nga ba siyang talaga. He has ways in expressing to me how it is to be a friend. Kaya nabalita na 'yong inasikaso niya ako noong mag-birthday ako in Boracay, talagang aligaga siya. Nagtataka nga ako noon.

"And now, yes, we go out. Totoong nag-dinner kami together. And yes, naipakilala na namin ang isa't isa sa mga parents namin," pag-amin ni Angel.

Pero hindi pa ba niya masasabing panliligaw na ito ni Marvin?



"Siya lang ang makakasagot sa mga tanong na gaya niyan. Sa akin kasi, ang pinahahalagahan ko ngayon ay 'yong friendship. Naniniwala naman ako na doon nagsisimula ang lahat. Mas maganda 'yon kung ang foundation ng magiging relasyon ninyo, kung doon nga ito papunta, nagsimula muna lahat sa pagiging magkaibigan," paliwanag ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN