Singer Ronnie Liang apologizes to Alfie Lorenzo


"Tumawag na po ako sa kanya at buong pagpakumbaba akong humingi ng tawad sa kanya. Nagpasalamat po ako sa kanya na napansin niya ako," says Ronnie Liang (right) about his kababayan, Alfie Lorenzo (left).



Kung nakaligtas ang Pinoy Dream Academy (PDA) second runner-up na si Ronnie Liang sa mga intrigang kumalat pagkatapos makabalik ng Top 6 ng PDA scholars mula sa kanilang US Concert tour last April, hindi naman siya nakaligtas sa mga "paalala" sa kanya ng batikang entertainment columnist at talent manager na si Alfie Lorenzo sa column nito sa Abante.

Magkababayan sina Ronnie at Alfie dahil pareho silang taga-Pampanga. May usapan pala sila na mag-uusap bago umalis si Ronnie papuntang US, pero hindi ito nangyari. Bibigyan sana ni Alfie ng mga payo si Ronnie para sa kanyang singing career bilang malasakit dahil nga magkababayan sila.

Ayon sa column ni Alfie, hindi raw sinasagot ni Ronnie ang mga text messages at tawag niya sa cell phone ng singer. Nag-explain sila ng manager niyang si George Roca na naiwanan niya ang kanyang cell phone kaya hindi siya nakapag-respond, pero hindi iyon tinanggap na valid reason ng manager ni Judy Ann Santos.

Nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie ay sinabi ni Ronnie na humingi na siya ng tawad kay Alfie.

Ayon kay Ronnie, "Tumawag na po ako sa kanya at buong pagpakumbaba akong humingi ng tawad sa kanya. Nagpasalamat po ako sa kanya na napansin niya ako.

"Hindi ko po kasi siya kilala noon nang personal. Ang alam ko lang po, manager po siya ni Judy Ann Santos at napapanood ko siya sa TV. Na-meet ko po siya nang personal noong press con namin ng Your Song. Ayoko na pong ikuwento kung ano ang nangyari. Basta ang mahalaga po, nagkaayos na kami at pinatawad na niya ako."

Sa ngayon, muling naghahanda si Ronnie sa susunod nilang 6-city US concert tour. Aalis sila sa ng Pilipinas sa July 19 at sa August 19 na ang balik nila. This time, sila lamang tatlo nina Yeng Constantino at Jay-R Siaboc among the Top 6 ang makakasama, with another PDA scholar na si RJ Jimenez. Kasama rin nila ang loveteams nina Luis Manzano & Anne Curtis, John Lloyd Cruz & Bea Alonzo, at Angelica Panganiban & Carlo Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pakiramdam ni Ronnie na hindi na nila makakasama sina Irish Fullerton, Panky Trinidad, at Chad Peralta sa kanilang susunod na US concert tour?

"Nalungkot din po ako nang malaman kong hindi na pala ang PDA Top 6 ang magkakasama sa concert tour," sabi niya. "Nakaka-miss din po kasi ilang buwan din kaming magkakasama sa lahat ng mga shows here and abroad.

"Nang makabalik nga po kami dito na may mga intriga at hindi namin nakasama agad sina Jay-R, Chad, at Panky, nalungkot po talaga ako. Kaya nang magkaroon ng show ang PDA Top 6 sa Dagupan City last May 26, naiyak po ako nang kumanta kami sa finale ng ‘Hawak-Kamay.' Noon lang po kasi kami ulit nagkasama-sama."

Matatandaang pinatawan ng suspension sina Jay-R, Irish, Chad, at Panky dahil sa ilang penalties nila sa kanilang US concert tour.

Samantala, na-release na ang self-titled debut album ni Ronnie from Universal Records, pero wala pang formal launch nito.

As to his acting career, na-satisfy naman daw ang ABS-CBN sa pagka-feature kay Ronnie sa Your Song, kung saan nakatambal niya ang former Miss International na si Precious Lara Quigaman. Pero mas gusto raw muna ni Ronnie na mag-concentrate sa kanyang singing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN