Janice de Belen lets ex-hubby John Estrada explain "kisscandal" to their kids


"Since matagal na kaming wala ni John, annulled na ang marriage namin, tama na ‘yong nag-uusap kami kung minsan kung ang concerned ay ang mga bata. Pero kung tungkol sa mga issues sa kanya na makakasali ang mga bata, hahayaan ko na lang na siya ang magpaliwanag nito sa mga anak niya. Ayokong makialam," says Janice de Belen.



Kahit na-corner na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Janice de Belen sa press con ng bagong youth-oriented program ng GMA-7, ang Boys Next Door, kagabi, June 14, hangga't maaari ay ayaw pa rin niyang mag-comment sa "kisscandal" ng ex-husband niyang si John Estrada at ni Gretchen Barretto.

Pero sa kapipilit pa rin ng PEP, nagbigay na rin ng pahayag si Janice para sa kapakanan ng apat nilang anak ni John na sina Inah, Moira, Kyla, at Juan.

"For me, they don't need this. They don't need this kind of issue," sabi ni Janice tungkol sa mga anak nila ni John.

"Pero tinawagan na sila ni John, kinausap na niya ang mga bata. Whatever details that went into their conversation, I chose not to talk about it. Matagal na kaming wala, I don't have to get involved as long as they [the children] don't have to be involved.

"Since matagal na kaming wala ni John, annulled na ang marriage namin, tama na ‘yong nag-uusap kami kung minsan kung ang concerned ay ang mga bata. Pero kung tungkol sa mga issues sa kanya na makakasali ang mga bata, hahayaan ko na lang na siya ang magpaliwanag nito sa mga anak niya. Ayokong makialam," paliwanag ni Janice.

Dagdag pa ni Janice, masaya na raw siya sa buhay niya ngayon. Ayaw nga lang niyang magsalita kung sila pa rin ba ng napapabalitang boyfriend niya.

Tawa nang tawa ang mga kaharap niyang entertainment press dahil kapag ayaw niyang sagutin ang mga questions sa kanya ay sumasayaw-sayaw lang siya.

Halos puro mga baguhan ang kasama ni Janice sa Boys Next Door, na pinangungunahan nina Marky Cielo, Glaiza de Castro, Kris Bernal, Mart Escudero, Rich Asuncion, at iba pang graduates ng StarStruck Batch 4.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN