Janice de Belen on competition with Kris Aquino: "She keeps us on our toes."


"Sabagay, kahit sino naman ang itapat sa amin, we always prepare. Ang pinakamahirap kasi, ang maging stale ang show at parang wala nang ipapakitang bago and, hopefully, wala pa sa stage na ito ang SIS dahil we always come up with something new," says Janice de Belen (right) about their new competition—Kris Aquino's (left) new morning show with Boy Abunda.



"She keeps us on our toes," sabi ni Janice de Belen sa "favorite competition" ng show nilang SIS—si Kris Aquino.

Almost seven years on air na ang SIS nina Janice, Gelli de Belen, at Carmina Villarroel. Limang shows na ang nakatapat nila sa ABS-CBN, pero nananatili silang matatag sa morning slot.

Ngayong magtatapos na rin ang Homeboy ni Boy Abunda sa ABS-CBN at mapapalitan ng bagong show, starring Boy pa rin, but this time with Kris—ang Boy & Kris. This would be SIS's sixth competition, and third with Kris after Morning Girls and Kris and Korina.

Hanga si Janice kay Kris dahil she is an intelligent woman daw and a very good host. This is the reason why naghahanda muli ang show nila nina Gelli and Mina for another round with her.

"Sabagay, kahit sino naman ang itapat sa amin, we always prepare," sabi ni Janice. "Ang pinakamahirap kasi, ang maging stale ang show at parang wala nang ipapakitang bago and, hopefully, wala pa sa stage na ito ang SIS dahil we always come up with something new.

"Mahirap din naman kasi na just because you're winning, hindi ka na magsusumikap pa. We just like to think that maybe we're doing something right with our show," sabi ni Janice sa press con ng kanyang comeback acting job na Boys Next Door kagabi, June 14.

Habang nasa issue pa rin ng competition, naitanong na rin namin sa kanya what is her take sa pagre-remake ng ABS-CBN ng kanyang Flordeluna, kung saan siya unang nakilala.

"Wala, I'm happy. Again, we must have done something right the first time for the show to be remade. Hindi naman ako ang nag-produce noon, artista lang ako," rason niya.

Turning to controversial news, naitanong din kay Janice ang kanyang pananaw tungkol sa kissing-picture scandal na kinasangkutan ng kanyang ex-husband John Estrada at ng kanyang co-star noon sa 14 Going Steady na si Gretchen Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinayawan lang kami ni Janice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN